Tanong
Bakit sobrang nilalabanan ng siyensya ang katuruan tungkol sa paglikha?
Sagot
Mahalagang malaman ang pagkakaiba sa pagitan ng salitang "siyensya" at "komunidad ng siyensya." Ang siyensya ay isang disiplina na may kinalaman sa pagoobserba, paeekspiremento at pagpapaliwanag ng mga natural na kaganapan. Ang komunidad ng siyensya naman ay binubuo ng mga tao na nakikilahok sa nasabing disiplina. Mahalaga ang distinksyon sa pagitan ng dalawang termino dahil walang lohikal na pagkakaiba sa pagitan ng siyensya at ng paglikha. Ang siyensya ay isang generic na terminolohiya para sa isang uri ng pagaaral habang ang paniniwala naman sa paglikha o creationism ay isang pilosopiya na inilalapat sa interpretasyon ng mga katotohanan (facts). Ang siyentipikong komunidad gaya ng umiiral ngayon ay nanghahawak sa naturalismo (naturalism) bilang isang pilosopiya, ngunit walang sapat na dahilan kung bakit dapat piliin ng siyensya ang naturalismo sa halip na ang paniniwala tungkol sa paglikha o creationism.
Sa pangkalahatan, may kaisipan na ang creationism ay hindi isang lehitimong uri ng siyensya o "unscientific." Totoo ito sa isang banda dahil may ilang pagpapalagay ang creationism na hindi kayang suriin, patunayan o pabulaanan. Gayunman, nasa ganito ring kalagayan ang naturalismo bilang isang pilosopiya na hindi rin kayang suriin, patunayan at pabulaanan. Sa kasalukuyan tinatanggihan ng mga komunidad ng siyentipiko ang mga konsepto ng creationism at sinasabing ito ay "unscientific." Ito ay pagkakasalungatan dahil ang pislosopiyang ginagamit ng mga siyentipiko — ang naturalismo— ay "unscientific" din gaya ng creationism.
Maraming dahilan sa paggamit ng siyensya sa naturalismo bilang isang pilosopiya. Kinapapalooban ang creationism ng pakikialam o pagkilos ng isang supernatural na persona habang ang pangunahing pinaguukulan ng pansin ng siyensya ay mga pisikal na bagay na nahihipo at nakikita. Dahil dito, may mga nasa komunidad ng siyensya na nagaalala na kung yayakapin nila ang creationism bilang isang pananaw, magbubunga ito sa tinatawag na "God of the Gaps dilemma," kung saan ang mga katanungang pang siyensya ay sinasagot ng simpleng ("Ang Diyos ang gumawa nito"). Ang ilan sa malalaking pangalan sa kasaysayan ng siyensya ay matibay ang paniniwala na ang Diyos ang lumikha ng lahat ng mga bagay. Ang kanilang paniniwala ang nagtulak sa kanila upang magtanong ng "Paano ito ginawa ng Diyos?" Kasama sa mga siyentipikong ito na naniniwala sa paglikha ng Diyos sina Pascal, Maxwell, at Kelvin. Sa kabilang banda naman, maaaring hamakin ang mga tuklas ng siyensya ng isang hindi makatwirang paniniwala sa naturalismo. Hinihingi sa isang siyentipiko ang isang balangkas na ayon sa naturalismo na tanggihan ang mga resulta na hindi umaayon sa naitatag na paniniwala o paradigm. Nangangahulugan ito na kung hindi umaayon ang mga bagong datos sa pananaw ng naturalismo, ipinagpapalagay na ito ay hindi totoo at dapat na tanggihan.
May malinaw na tunog-relihiyon sa pananaw na creationism. Ang siyensya ay wala lamang kinikilingan para sa mga nakikilahok sa larangang ito at ang mga taong ito ay maaari ding may kinikilingan gaya din sa mga tao sa ibang larangan. May mga tumatanggi sa creationism at tumatangkilik sa naturalism para lalang sa mga "moral" na dahilan. Sa katotohanan, ang bilang ng mga umaamin sa dahilang ito ay maaaring mas mataas kaysa sa aktwal. Mas maraming tao ang tumatanggi sa konsepto ng Diyos dahil sa pangunahing dahilan na hindi nila matanggap na may mga bawal at pagkiling sa paniniwala tungkol sa Diyos. Ito ay sa kabila ng katotohanan na maging ang nagtatrabaho bilang siyentipiko ay may pagkiling din gaya ng mga tao na nagtatrabaho sa ibang larangan.
Sa parehong paraan, ang isang hindi maayos na pakikitungo sa komunidad ng siyensya ay may epekto sa kanilang pananaw sa creationism. Nakinabang ang siyensya sa mga kontribusyon ng mga naniniwala sa paglikha sa loob ng maraming siglo; ngunit ngayon, pangit ang saloobin ng mga komunidad sa siyensya sa punto na nagagallit sila at minamaliit ang sinumang hindi pabor sa pananaw ng naturalismo. Ang ganitong bukas na pagkagalit sa pananaw ng creationism at sa relihiyon sa pangkalahatan ang lumilikha ng saloobin sa mga nanghahawak sa pananaw ng creationism na iwasan ang pagaaral ng siyensya. Mayroon naman na pinipili ang manatiling tahimik dahil sa takot na pagtawanan at usigin. Sa ganitong paraan, minaliit ng mga nasa komunidad ng siyensya at itinulak palayo ang ilang bahagi ng populasyon at pagkatapos ay may lakas ng loob na sabihin na ang mas mababang populasyon ng mga creationists sa kanilang grupo ay isang ebidensya na mas superyor ang merito ng naturalism laban sa creationism.
May mga dahilang pulitikal din sa likod ng pagiging negatibo ng mga nasa komunidad ng siyensya sa creationism at sa relihiyon sa pangkalahatan. Higit sa anumang sistema ng relihiyon, binibigyan ng napakataas na pagpapahalaga ng Kristiyanismo ang indibidwal na buhay ng tao. Ito ang nagiging dahilan ng tensyon sa komunidad ng siyensya lalo na kung nagiging hadlang sa ilang uri ng pagaaral ng siyensya ang pagmamalasakit sa buhay. Umaakto ang pagpapahalagang Kristiyano bilang isang preno sa mga ekspiremento o posisyon na nakakasakit sa tao o sumisira sa buhay ng tao. Ang mga halimbawa ng mga prosesong ito ay ang pagsisiyasat sa stemcell ng embryo ng tao, aborsyon at pagpatay dahil sa awa (euthanasia). Sa ibang mga pagkakataon, nagsasalungatan ang pagpapahalagang Kristiyano at sekular na pananaw kung isinusulong ng siyensya ang mga makasalanang gawain sa pagpapadali sa mga ito. Habang tinitingnan ito ng mga naturalistic scientists na hindi kailangan ang pananaw ng creationism, dapat nilang isaalang-alang ang maaaring mangyari kung ginagawa ang isang pagaaral ng siyensya ng walang pagsasaalang-alang sa moralidad o konsensya. Sinasalamin ang pananaw na ito ng karakter na ginampanan ng aktor na si Jeff Goldblum sa pelikulang Jurassic Park. Kanyang sinabi, "Ang iyong mga siyentipiko ay masyadong abala sa pagiisip kung kaya ba nilang gawin o hindi ang isang bagay at hindi sila tumitigil para isipin kung dapat ba nila iyong gawin."
Mayroon ding ilang antas ng kumpetisyon sa pagitan ng mga komunidad sa siyensya at mga komunidad sa relihiyon sa aspeto ng kapangyarihan na nagreresuta sa karagdagang tensyon sa pagitan ng dalawang panig. Gaya ng inamin ng ilang nangungunang siyentipiko na nagdududa sa relihiyon, may pananaw ang komunidad sa siyensya, sinasadya man nila ito o hindi, na iposisyon ang sarili ng mas mataas kaysa sa relihiyon. Ipinapakilala ng mga sekular na ministrong ito ang kanilang sarili na may kahanga-hanga at pinakamataas na karunungan na kinakailangan ng mga tao para sa kanilang kaligtasan, at hindi sila maaaring kwestyunin ng mga nasa labas ng kanilang komunidad. Sa simpleng terminolohiya, ang mga ideya na may tunog relihiyon, gaya ng creationism ang bumabangga sa komunidad ng siyensya sa pagaangkin nito ng pinakamataas na karunungan sa sangkalawakan.
Habang maaaring may iba pang dahilan sa tensyon sa pagitan ng dalawang nabanggit na pananaw, maraming mga dahilan upang sabay silang umiral at magsama ng mapayapa. Walang lohikal at katanggap-tanggap na dahilan upang tanggihan ang creationism at paboran ang naturalism gaya ng ginagawa ng mga nasa siyentipikong komunidad. Hindi pinipigilan ng creationism ang mga pagtuklas ng siyensya, na pinatunayan ng mga higante sa siyensya na naniniwala sa pananaw na ito. Ang pangit na saloobin at masasamang pananalita na ipinupukol ng mga naturalista sa mga naniniwala sa creationism ang nagpabawas sa bilang ng mga matatalino at may kakayahan sa maraming larangan. Maraming iniaalok ang creationism sa siyensya at sa siyentipikong komunidad. Ipinakilala ng Diyos na lumikha sa sansinukob ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Kanyang mga nilikha (Awit 19:1); Mas maraming nalalaman ang tao tungkol sa Kanyang mga nilikha, mas malalim na pagluwalhati ang Kanyang matatanggap mula sa mga tao!
English
Bakit sobrang nilalabanan ng siyensya ang katuruan tungkol sa paglikha?