Tanong
Ang teorya ng paglikha ba ay mapapatunayan ng siyensya?
Sagot
May mga debate sa kasalukuyan tungkol sa katotohanan ng teorya ng paglikha o creationism na nangangahulugan na "ang paniniwala na ang buong sangkalawakan at ang lahat ng mga nabubuhay na organismo ay nilikha ng Diyos gaya ng sinasabi sa Bibliya at hindi nanggaling sa natural na proseso gaya ng ebolusyon." Ang siyensya ng teorya ng paglikha ay karaniwang pinawawalang kabuluhan ng mga sekular na komunidad at inaakusahan na walang merito ng siyensya. Gayunman, ang teorya ng paglikha at ang siyensya ay malinaw na nagkakasundo sa maraming bagay. Ang teorya ng paglikha ay tungkol sa totoong mga pangyayari sa mundo, totoong mga lugar at totoong mga bagay. Hindi ito tungkol sa mga hindi nakikitang konsepto at haka haka lamang. Maraming mga katotohanan sa siyensya na naaayon sa teorya ng paglikha at ang paraan kung paanong iniuugnay ang mga katotohanan ng teorya ng paglikha sa siyensya ay humahantong din sa parehong konsepto. Kung paanong ang ibang malawak na ideya ng siyensya ay naguugnay sa iba pang serye ng katotohanan, gayundin naman ang teorya ng paglikha.
Paano ngayon ituturing na isang pananaw sa pilosopiya ang teorya ng paglikha na kontra sa naturalismo gayong ayon sa siyensya, ang lahat ng bagay ay nagmula sa kalikasan at may pinanggalingan at ang mga supernatural o hindi maipaliwanag na mga bagay maging ang mga bagay na espiritwal ay hindi dapat tanggapin? Ngunit nakadepende ang lahat sa kung paano pinapakahuluganan ng isang tao ang pagiging siyentipiko ng isang bagay. Kadalasan, ang "siyensya" at "naturalismo" ay ipinagpapalagay na iisa at magkapareho habang tinatanggihan ang teorya ng paglikha. Ang ganitong pagpapakahulugan ay kumikiling sa naturalismo. Ang kahulugan ng siyensya ay "ang pagaaral, pagkilala, paglalarawan, pagsusuri sa pamamagitan ng pag-eekspirimento at ang pagpapaliwanag sa mga teorya ng mga penomena." Walang hinihingi ang siyensya sa kanyang sarili upang maging naturalistic. Ang naturalismo gaya ng teorya ng paglikha ay nangangailangan ng serye ng mga pagaakala o pagpapalagay na hindi resulta ng mga eksperimento. Hindi inuunawa ang naturalismo sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga datos. Ang mga pilosopikal na pagpapalagay na ito ay tinatanggap bago pa kumuha ng mga datos. Dahil ang naturalismo at teorya ng paglikha ay parehong may elemento ng pagpapalagay na parehong hindi mapapatunayan at masusubok ng siyensya at pumapasok sa diskusyon bago ang katotohanan, makatwiran na sabihin na ang teorya ng paglikha ay siyentipiko din naman gaya ng naturalismo kung ang pagbabasehan ay ang pagpapakahulugan ng siyensya sa naturalismo.
Ang teorya ng paglikha, gaya ng naturalismo, ay maaaring maging siyentipiko dahil ito ay naaayon sa metodolohiya ng siyensya sa pagtuklas. Gayunman, ang dalawang konseptong ito ay hindi siyensya sa kanilang sarili. Dahil ang parehong pananaw ay may mga aspeto na hindi itinuturing na siyentipiko sa normal na pakahulugan ng siyensya. Hindi rin sila mapapabulaanan dahil walang ekspirimento na makapagpapatunay na hindi sila totoo. Wala sa kanila ang mahuhulaan; o may kakayahan na hulaan ang mangyayari. Sa dalawang puntos pa lamang na ito, makikita natin na may lohikal na dahilan upang ikunsidera na ang teorya ng paglikha ay maaaring ituring na isang siyensya.
Ang isa sa mga pangunahing dahilan ng mga naturalista sa pagtanggi sa teorya ng paglikha ay ang konsepto ng mga himala. Sinasabi ng mga naturalista na imposibleng paniwalaan ang mga himala dahil sinasalungat nila ang batas ng kalikasan na malinaw na naoobserbahan sa kasaysayan. Sinasalungat ng mga naturalista ang kanilang sariling pananaw dahil sa ilang kadahilanan. Ang isang halimbawa ay ang abiogenesis, ang teorya na ang buhay ay nagmula sa mga bagay na walang buhay. Ang abiogenesis ay isa sa mga patuloy na pinapabulaanang konsepto ng siyensya. Ang abiogenesis ay hindi pa kailanman naobserbahan sa buong kasaysayan ng tao - ang magkaroon ng buhay na nagpaparami sa kanyang sarili at nabubuhay sa kanyang sarili na may masalimuot na disenyo - ay magmula sa isang bagay na walang buhay. Ang pangangailangan ng pagbabago ayon sa teorya ng ebolusyon upang ang isang may buhay ay maging isang mas kumplikadong porma ng buhay ay hindi pa rin naobserbahan kailanman. Kaya ang teorya ng paglikha ay nakalalamang dahil sa mga himala lalo pa't ang Kasulatan ay naglalaman ng mga dokumentadong pangyayari ng mga mahimalang kaganapan. Kung itinuturing na hindi siyentipiko ng siyensya ang teorya ng paglikha dahil sa mga himala dapat din nitong na ituring ang naturalismo na hindi siyentipiko.
Maraming mga katotohanan ang ginagamit ng mga nagdedebate tungkol sa teorya ng paglikha at naturalismo. Ang katotohanan ay katotohanan ngunit walang isang katotohanan na may isa lamang interpretasyon. Ang dibisyon sa pagitan ng teorya ng paglikha at naturalismo ay dahilan sa pagkakaiba iba ng interpretasyon sa katotohanan. Tungkol sa debate ng ebolusyon laban sa teorya ng paglikha, ginamit ni Darwin ang argumentong ito. Sa introduksyon ng kanyang aklat na “The Origin of the Species,” sinabi ni Darwin, "nalalaman ko na walang isa mang argumento na aking inilahad sa aklat na ito ang hindi maaaring gamiting kasangkapan upang makabuo ng konklusyon na direktang kakalaban sa mga katotohanan na aking natuklasan." Makikita sa pangungusap na ito na naniniwala si Darwin sa teorya ng ebolusyon kaysa sa teorya ng paglikha ngunit handa siyang tanggapin na ang interpretasyon ang susi upang makapamili ng paniniwalaan ang isang tao. Maaaring gamitin ng isang siyentipiko ang isang partikular na katotohanan upang suportahan ang naturalismo, ngunit maaari ding gamitin ng isang siyentipiko ang parehong katotohanan upang suportahan ang paniniwa sa teorya ng paglikha.
Gayundin naman, ang katotohanan na ang paglikha ay ang tanging posibleng alternatibo sa ideya ng naturalismo tulad ng teorya ng ebolusyon ay isang balidong paksa lalo na kung ang paniniwala sa magkaibang teorya ay tinatanggap ng ilang mga kinikilala sa larangan ng siyensya. Maraming kilala at maimpluwensyang siyentipiko ang nagsabi na ang tanging posibleng paniwalaan sa buhay ay dalawa lamang - ang teorya ng paglikha o ang teorya ng ebolusyon - walang nasa gitna. Hindi lahat ng siyentipiko ay sumasang ayon sa iisang teorya lamang ngunit halos lahat sila ay nagkakasundo na alinman sa dalawang teoryang ito lamang ang totoo.
Napakaraming mga kadahilanan upang ituring ang teorya ng paglikha bilang mapapaniwalaan at siyentipikong paraan sa pagkatuto. Ilan sa mga ito ay ang konsepto ng realistikong probabilidad (realistic probability), ang depektibong suporta sa macro evolution, ang ebidensya ng karanasan at marami pang iba. Walang lohikal na basehan na tanggapin ang teorya ng naturalismo at tanggihan ang teorya ng paglikha. Ang matibay na paniniwala sa teorya ng paglikha ay hindi hadlang sa mga pagtuklas sa siyensya. Alalahanin natin ang mga natuklasan nina Newton, Pasteur, Mendel, Pascal, Kelvin, Linnas at Maxwell. Ang mga taong ito ay maliwanag at komportableng naniniwala sa teorya ng paglikha. Ang teorya ng paglikha ay isang "siyensya," samantalang hindi ayon sa siyensya ang naturalismo. Ang teorya ng paglikha ay ganap na sumasang-ayon sa siyensya.
English
Ang teorya ng paglikha ba ay mapapatunayan ng siyensya?