settings icon
share icon
Tanong

Bakit mahalaga ang solo Christo o si Cristo lamang?

Sagot


Ang Solo Christo, o solus Christus, ay isa sa limang solas (o solae) na ginagamit para lagumin ang mga pangunahing isyu ng Repormasyong Protestante. Ang sola scriptura (“Kasulatan lamang”), sola fide (“pananampalataya lamang”), sola gratia (“pananampalataya lamang”), at soli Deo gloria (“para sa kaluwalhatian ng Diyos lamang”). Ang bawat isa sa mga doktrinang ito ay napakahalaga. Ang tanggihan ang isa samga to ay magreresulta sa kamalian at isang bulaang Ebanghelyo na walang kapangyarihang magligtas.

Nang ipagpilitan ng mga Repormador ang solo Christo, tinitindigan nila na ang tao ay naliligtas sa pamamagitan lamang ni Cristo ng hiwalay sa kanilang sariling gawa o gawa ng ibang tao. Si Jesus lamang ang Hari ng mga hari (Pahayag 19:16). Siya lamang ang ating Pangulong Saserdote (Hebreo 4:14). Siya lamang ang Tagapagligtas (Galacia 3:13) at ang tanging Tagapamagitan sa tao at sa Diyos (1 Timoteo 2:5). Ang pagtatangka na pantayan o makibahagi sa mga posisyong ito ay mapagmataaas na pamumusong. Ang pagbibigay sa iba sa mga papel na ito (gaya ni Maria) ay hindi rin katanggap-tanggap. Tanging si Cristo at si Cristo lamang ang nagliligtas.

Hindi ang ating sariling katuwiran ang nagligtas sa atin; ito ay ang katuwiran lamang ni Cristo. “Iniligtas niya tayo, hindi dahil sa ating mabubuting gawa kundi dahil sa kanyang habag sa atin. Tayo'y iniligtas niya sa pamamagitan ng Espiritu Santo na naghugas sa atin upang tayo'y ipanganak na muli at magkaroon ng bagong buhay” (Tito 3:5). “Ginagawang matuwid ng Diyos ang lahat sa pamamagitan ng kanilang pananampalataya kay Jesu-Cristo. Walang pagkakaiba ang mga tao” (Roma 3:22). Anuman ang mabubuting gawa na ating ginawa, at gaano man tayo katapat, sa huli, tayo ay mga “aliping hindi karapatdapat” (Lucas 17:10). Si Cristo at si Cristo lamang ang isang kaparatdapat (Pahayag 5:9). Solo Christo.

Mula simula hanggang wakas, tanging si Cristo lamang ang itinataas ng Ebanghelyo. Siya ang dumating mula sa langit upang hanapin ang naligaw (Lucas 19:10). Siya lamang ang nakasunod ng perpekto sa Kautusan. Siya lamang ang napako sa krus, at Siya lamang ang nabuhay na mag-uli. Tumanggap lang tayo ng Kanyang kabutihan. Tayo ay mga pulubi, at Siya ang tagapagpala. Tayo ay mga ketongin, at Siya ang ating Manggagamot. Tayo ang kaguluhan at Siya ang Kapayapaan. Solo Christo.

Ang Ebanghelyo ay hindi isang mensahe ng dapat nating gawin para sa Diyos; ang Ebanghelyo ay ang Mabuting Balita ng mga ginawa ng Diyos para sa atin. Ang kaligtasan ay hindi tungkol sa atin; ito ay tungkol kay Jesus. Solo Christo. Sa lahat ng bagay, Si Cristo ang pinakamataas (Colosas 1:18), at ibinalik ng mga repormador ang katuruang ito ng Bibliya sa Iglesia. Gaya ng isnulat ni Luther, “Dapat akong makinig sa Ebangehelyo. Sinasabi nito, hindi ang aking dapat gawin, kundi kung ano ang ginawa ng Anak ng Diyos na si Jesu Cristo, para sa akin” (Martin Luther, Komentaryo sa Galacia, Kabanata 2, mga talatang 4–5).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Bakit mahalaga ang solo Christo o si Cristo lamang?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries