settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagpuputol ng sumpa sa salit-saling lahi?

Sagot


Binabanggit ng Bibliya ang sumpa sa salit saling lahi sa ilang mga talata (Exodo 20:5; 34:7; Mga Bilang 14:18; Deuteronomio 5:9). Tila hindi makatarungan na parusahan ng Dios ang mga anak sa mga kasalanan ng kanilang mga ama. Gayunpaman, ito ay pagtingin sa pananaw ng mundo. Alam ng Diyos na ang epekto ng kasalanan ay naisasalin o naipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod na henerasyon. Kapag ang ama ay may makasalanang pamumuhay, malamang na magkaroon din ng katulad na makasalanang pamumuhay ang kanyang mga anak. Ito ang dahilan kung bakit hindi dapat isiping hindi makatarungan para sa Dios na parusahan ang mga kasalanan hanggang sa ikatlo o ikaapat na saling lahi – dahil sila man ay gumagawa ng katulad na kasalanan na ginawa ng kanilang mga ninuno. Sila ay pinarurusahan dahil sa kanilang sariling kasalanan, hindi sa kasalanan ng kanilang mga ninuno. Sinasabi ng Bibliya na hindi pinananagot ng Dios ang mga anak para sa mga kasalanan ng kanilang mga magulang (Deuteronomio 24:16).

May takbo ng kaisipan sa Iglesia ngayon na suriin at sisihin ang bawat kasalanan at suliranin sa ganitong sumpa sa salit saling lahi. Hindi ito ayon sa Bibliya. Kung gayon, ang lunas para sa “sumpa sa salit saling lahi” ay ang pananampalataya kay Cristo at isang buhay na nakalaan para sa Kanya (Roma 12:1, 2).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagpuputol ng sumpa sa salit-saling lahi?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries