settings icon
share icon
Tanong

Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa sa pagsusundalo ng Kristiyano?

Sagot


Maraming impormasyon ang ibinibigay ng Bibliya patungkol sa pagsusundalo. Habang ang karamihan ng reperensya sa pagsusundalo ay paglalarawan sa isang mananampalataya, may mga talata na direktang sinsagot ang tanong na ito. Hindi partikular na tinukoy sa Bibliya kung ang isang Kristiyano ay maaari o hindi maaaring maglingkod sa gobyerno bilang sundalo. Gayunman, makakaasa ang Kristiyano na ang pagigigng sundalo ay iginagalang sa buong Bibliya at ang ganitong klase ng pagsserbisyo ay sang-ayon sa maka Bibliyang pananaw.

Ang unang halimbawa ng paglililingkod bilang sundalo ay matatagpuan sa Lumang Tipan (Genesis 14), ng ang pamangkin ni Abraham na si Lot ay kidnapin ni Chedorlaomer, hari ng Elam at ng mga kaalyado nito. Tinulungan ni Abraham si Lot sa pamamagitan ng pagbuo ng 318 mga sinanay na lalaki mula sa kanyang nasasakupan at ginapi nila ang mga Elamita. Makikita natin dito ang isang hukbong sandatahan na may mabuting layunin - ang iligtas at protektahan ang walang kasalanan.

Sa huling bahagi ng kasaysayan nito, bumuo ang Israel ng kanyang sariling sandatahang lakas. Ang kamalayan na ang Diyos ang kanilang tagapagtanggol na siyang magtatanggol sa kanila ang maaaring nagtulak sa mga Israelita upang maging mabagal sa pagbuo ng sariling sandatahang lakas. Naging malakas at progresibo lamang ang sistemang pulitikal at sandatahang lakas ng Israel sa panahon ni Haring Saul, David at Solomon. Si Saul ang unang bumuo ng sandatahang lakas ng Israel (1 Samuel 13:2; 24:2; 26:2).

Ang pinasimulan ni Saul ay ipinagpatuloy ni Haring David. Pinarami niya ang mga sundalo, nagsanay ng maraming tropa mula sa mga lugar na tapat sa kanyang pamumuno (2 Samuel 15:19-22) at binigyan ng kapangyarihan si Joab upang mamuno bilang heneral. Sa ilalim ng pamumuno ni David, lalong naging agresibo ang Israel sa opensiba nito at sa mga polisiya sa sandatahang lakas at sa pagsama sa mga kalapit na estado gaya ng Amon (2 Samuel 11:1; 1 Cronica 20:1-3). Itinatag ni David ang isang sistema ng nagrerelyebong tropa na may 12 grupo ng tig 24,000 na kalalakihan na naglilingkod bilang sundalo sa loob ng isang buwan bawat taon (1Cronica 27). Kahit na mapayapa ang paghahari ni Haring Solomon, pinalaki pa niya ang kanyang tropang militar, nagdagdag ng mga pandigmang karwahe at mangangabayo (1 Mga Hari 10:26). Ang Sandatahang Lakas ng Israel ay nagpatuloy mula sa nahating kaharian pagkatapos ng kamatayan ni Haring Aolomon hanggang 586 B.C ng ang Israel (Judah) ay huminto bilang isang yunit pulitikal.

Sa Bagong Tipan, hinangaan ni Hesus ang isang senturyong Romano (isang pinuno ng may isandaang sundalo) sa tugon at sa malinaw na pagkilala nito sa Kanyang kapangyarihan maging sa pananampalataya nito sa Kanya (Mateo 8:5-13). Hindi minaliit ni Hesus ang kanyang propesyon at katungkulan. Maraming senturyon na pumuri sa mga Kristiyano bilang mga taong may takot sa Diyos at may mabuting karakter ang binanggit sa Bagong Tipan (Mateo 8:5; 27:54; MArkos 15:39-45; Lukas 7:2; 23:47: Mga Gawa 10:1; 21:32; 28:16).

Ang mga lugar at titulo ay maaaring nagbago ngunit ang ating sandatahang lakas ay dapat na kilalanin at pahalagahan gaya ng mga senturyon sa Bibliya. Ang katungkulan ng isang sundalo ay iginagalang na noon pa man. Halimbawa inilarawan ni Pablo ang isang Kristiyanong nagngangalang Efaprodito bilang isang "kapwa sundalo" (Filipos 2:25). Ginagamit din ng Bibliya ang mga pananalitang sundalo upang ilarawan ang pagiging madirigma ng siang mananampalataya na isinusuot ang buong baluti ng Diyos (Efeso 6:10-20) pati na ang paggamit ng mga sandata ng isang sundalo katulad ng helmet, kalasag at tabak.

Oo, tinatalakay ng Bibliya ang paglilingkod bilang sundalo. Ang mga babae at lalaking Kristiyano na naglilingkod sa kanilang bansa na may dignidad, magandang karakter at karangalan ay makaaasa na ang kanilang tungkuling ginagampanan ay kinikilala ng makapangyarihang Diyos. Ang mga marangal na naglilingkod sa pamahalaan bilang sundalo ay karapatdapat sa ating paggalang at pasasalamat.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa sa pagsusundalo ng Kristiyano?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries