settings icon
share icon
Tanong

Tahimik na panalangin - ito ba ay naaayon sa Bibliya?

Sagot


Maaaring hindi binabanggit sa Bibliya ang pananalangin ng tahimik, ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi ito tama kagaya ng pananalangin ng malakas. Nalalaman ng Diyos ang ating iniisip gaya ng madali sa Kanya na marinig ang ating mga sinasabi (Awit 139:23; Jeremias 12:3). Alam ni Hesus ang masamang iniisip ng mga Pariseo (Mateo 12:24-26; Lukas 11:7). Walang kahit anuman sa ating ginagawa, sinasabi o iniisip ang lingid sa kaalaman ng Diyos, na hindi kailangang marinig ang ating sinasabi upang malaman ang ating iniisip. Alam Niya ang lahat na panalangin na idinudulog sa Kanya, ito man ay sinasabi o nasa isip lamang ng isang tao.

Binanggit sa Bibliya ang pananalangin sa pribadong lugar (Mateo 6:6). Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng pananalangin ng malakas at pananalangin sa isip? May mga pagkakataon na ang panalangin lamang sa isip ang nararapat, halimbawa, ang pananalangin para sa isang bagay na ang dapat makaalam ay ang Diyos lamang at ang nananalangin o pananalangin para sa isang tao na hindi na dapat marinig ang panalangin para sa kanya at iba pa. Walang masama sa pananalangin ng tahimik, basta't hindi natin iyon ginagawa dahil nahihiya tayong makita ng ibang tao na tayo ay nananalangin.

Maaaring ang pinakamagandang talata upang patunayan na naaayon sa Bibliya ang pananalangin ng tahimik ay ang 1 Tesalonica 5:17 kung saan sinasabi "manalangin ng walang humpay." Ang pananalangin ng walang humpay ay hindi nangangahulugan ng pananalangin ng malakas sa lahat ng pagkakataon. Manapa, nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng isip na nakapako sa Diyos at isang isipan na bihag at tumatalima kay Kristo (2 Corinto 10:5) at dinadala sa trono ng Diyos ang bawat sitwasyon, takot, mga plano at kahilingan. Bahagi ng walang humpay na pananalangin ang panalangin na sinasambit ng mga labi, ibinubulong, isinisigaw, inaawit at iniisip habang ating itinutuon ang ating pansin sa pananalangin para sa iba, sa pagpupuri, paghingi at pasasalamat sa Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Tahimik na panalangin - ito ba ay naaayon sa Bibliya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries