Tanong
Kanino natatakot si Cain pagkatapos niyang patayin si Abel?
Sagot
Sa Genesis 4:13-14, pagkatapos patayin ni Cain ang kapatid niyang si Abel, “'Napakabigat namang parusa ito!' sabi ni Cain kay Yahweh. 'Ngayong pinapalayas mo ako sa lupaing ito upang malayo sa iyong paningin, at maglagalag sa daigdig, papatayin ako ng sinumang makakakita sa akin.'” Kanino ba talaga natatakot si Cain? Sa puntong ito, ang tanging mga tao na binanggit ng Bibliya ay sina Adan at Eba (mga magulang ni Cain) at si Abel (na namatay na). Sino ang posibleng banta sa buhay ni Cain?
Mahalagang maintindihan na parehong malalaki na sina Cain at Abel noong pinatay ni Cain si Abel. Pareho silang magsasaka na nag-aasikaso sa kani-kanilang mga lupa at kawan (Genesis 4:2-4). Hindi binanggit ng Bibliya kung ilang taon na sila ngunit maaaring nasa 30 o 40 na ang kanilang edad. Hindi naman binanggit ng Bibliya kung nagkaroon ng mga anak sina Adan at Eba pagkatapos na ipanganak sina Abel at Set (Genesis 4:25).
Gayunpaman, hindi kapanipaniwala na hindi nagkaanak sina Adan at Eba sa loob ng ilang dekada gayong sila ang pinakaperpektong nilalang. Marami silang anak na sumunod kay Set (Genesis 5:4), kaya bakit hindi sila maaaring magkaroon din ng ibang mga anak bukod sa kina Abel at Set? Hindi sinabi ng Bibliya na si Set ang panganay na anak nina Adan at Eba pagkatapos mapatay si Abel ngunit nabanggit dito na ipinanganak si Set bilang “kapalit” ni Abel. Itinala sa Genesis kabanata 5 ang angkan ni Set. Bago namatay si Abel, tila siya ang “napili”ng Diyos mula sa mga anak nina Adan at Eba na panggagalingan ng Mesiyas (Genesis 3:15) ayon sa kahulugan ng salitang “pinalitan” ni Set si Abel.
Sino kaya ang kinatatakutan ni Cain? Takot si Cain sa kanya mismong mga kapatid at pamangkin na may kakayahang maghiganti. Isa pang patunay na may iba pang mga anak sina Adan at Eba pagkatapos ipanganak sina Cain at Abel at bago ipanganak si Set ay ang pagkakaroon ni Cain ng asawa (Genesis 4:17).
English
Kanino natatakot si Cain pagkatapos niyang patayin si Abel?