Tanong
Bakit magkaiba ang talaan ng angkan ni Hesus sa Mateo at Lukas?
Sagot
May dalawang sitas sa Bibliya kung saan matatagpuan ang talaan ng angkan ni Hesus: sa Mateo 1 at Lukas 3:23 - 38. Itinala ni Lukas ang pinagmulan ng angkan ni Hesus mula kay Adan. Itinala naman ni Mateo ang pinanggalingan ng angkan ni Hesus mula kay Abraham. Gayunman, mas mapapaniwalaan na itinala ni Mateo at Lukas ang pinaggalingan ng angkan ni Hesus sa dalawang magkaibang pinanggalingan. Halimbawa, binanggit ni Mateo na Jacob ang pangalan ng ama ni Jose (Mateo 1:16), habang binanggit naman ni Lukas na Heli ang pangalan ng ama ni Jose (Lukas 3:23). Itinala ni Mateo ang linya ng angkan ni Hesus sa pamamagitan ni Solomon na anak ni Haring David samantalang itinala naman ni Lukas ang pinagmulan ni Hesus mula sa linya ni Nathan na anak din ni David (Lukas 3:31). Dahil ditto, dalawang pangalan lamang ayon sa talaan ni Mateo at ni Lukas ang magkapareho mula kay David hanggang kay Hesus. Ang dalawang ito ay sina Sealtiel at Zorobabel (Mateo 1:12; Lukas 3:27).
Ginagamit ng ilan ang pagkakaibang ito upang patunayan na may pagkakamali daw ang Bibliya. Gayunman ang mga Hudyo ay metikuloso pagdating sa pagtatala ng kasaysayan lalo na sa pagtatala ng kanilang angkang pinanggalingan. Hindi nila matanggap na si Mateo at Lukas ay gumawa ng talaan ng isang angkan na pareho lang ang pinanggalingan ngunit magkasalungat sa isa't isa. Muli, mula kay David hanggang kay Hesus, ang talaan ay magkaiba. Kahit na ang pagbanggit sa pangalan ni Sealtiel at Zorobabel ay hindi tumutukoy sa parehong mga tao na nagtataglay ng dalawang pangalang ito. Sinabi ni Mateo na ang pangalan ng ama ni Sealtiel ay Jeconias samantalang sinabi ni Lukas na ang pangalan ng ama ni Sealtiel ay si Neri. Normal noon sa mga Israelita na pangalanan halimbawa ni Sealtiel ang kanyang anak na Zorobabel dahil sa mga sikat na tao noon na nagtaglay ng parehong pangalan (tingnan ang mga aklat ni Ezra at Nehemiah).
Ang isa pang paliwanag sa pagkakaiba ng dalawang talaan ay sa dahilang ang itinala ni Mateo ay ang pangunahing talaan ng angkan ni Hesus samantalang si Lukas naman ay pinagtuunan ng pansin ang pinanggalingan ni Hesus mula sa angkan ng mga Levita. Sa kanila, kung mamatay ang isang lalaki na walang naging anak ni isa sa kanyang asawa, kailangan na ang isa sa kanyang mga kapatid ay maging asawa ng kanyang namatay na kapatid upang mabigyan niya ng anak ang namatay na kapatid. Maaaring posible ang teoryang ito ngunit ang problema, hindi maaari na ang bawat henerasyon sa linya ni David ay dumaan sa ganitong tradisyon ng mga Levita.
Taglay ang konseptong ito, maraming konserbatibong dalubhasa sa Bibliya ang nagsasabi na maaaring itinala ni Lukas ang linya ng angkan ni Hesus sa angkan ni Maria samantalang si Lukas naman ay itinala ang angkan ni Hesus sa linya ni Jose. Sinusog ni Mateo ang linya ng angkan ni Jose (ang legal na ama ni Hesus) sa pamamagitan ng linya ni Solomon na anak ni David samantalang sinusog naman ni Lukas ang linya ng angkan ni Maria sa pamamagitan ng linya ni Natan na anak ni David. Walang Griyegong salita para sa salitang “manugang” kaya't ibinibilang na si Jose ay anak ni Heli sa pamamagitan ng pagpapakasal ni Jose sa anak ni Heli na walang iba kundi si Maria. Sa pamamagitan ng alinman sa mga linyang ito, Si Hesus ay galing din sa lahi ni David kaya Siya ay karapat dapat na maging Mesiyas o Tagapagligtas. Ang pagtala sa angkang pinanggalingan ni Hesus sa pamamagitan ni Maria ay hindi pangkaraniwan ngunit gayundin naman ang kapanganakan ni Hesus sa pamamagitan ng isang birhen. Sinabi ni Lukas na si Hesus ay anak ni Jose, “ayon sa sinasapantaha” (Lukas 3:23).
English
Bakit magkaiba ang talaan ng angkan ni Hesus sa Mateo at Lukas?