settings icon
share icon
Tanong

Ano ang mga tanda ng tunay na pananampalataya o pananampalatayang nagliligtas?

Sagot


Ito ang isa sa mga mahalagang katanungan sa buhay Kristiyano. Maraming mananampalataya ang nagdududa sa kanilang kaligtasan dahil hindi nila nakikita ang mga tanda ng tunay na pananampalataya sa kanilang sariling buhay. Mayroong mga nagsasabi na hindi natin dapat pagdudahan ang pananampalataya, ngunit sinasabihan tayo ng Bibliya na "siyasatin ang ating mga sarili kung tunay na tayo ay na nasa pananampalataya" (2 Corinto 13:5). Salamat na binigyan tayo ng Diyos ng sapat na katuruan kung paano natin matitiyak na tayo ay mayroon ng buhay na walang hanggan. Ang unang sulat ni Juan ay sinulat sa layunin na bigyan ng katiyakan ng kaligtasan ang mga tunay na mananampalataya gaya ng sinasabi sa 1Juan 5:13, "Isinusulat ko ito sa inyo upang malaman ninyo na kayo ay mayroong buhay na walang hanggan, kayong mga nananampalataya kay Kristo."

May mga serye ng pagsusulit sa 1 Juan na ating magagamit upang suriin ang ating sarili at ang katotohanan ng ating pananampalataya. Habang tinitingnan natin ang mga ito, dapat tandaan na walang sinuman ang perpektong makakaganap sa lahat ng ito ng sabay sabay sa lahat ng panahon, ngunit normal na makikita ang mga katangiang ito sa ating buhay habang lumalago tayo sa pananampalataya.

1. Nasisiyahan ka ba sa iyong pakikisama kay Kristo at sa kanyang mga hinirang na iyong kapwa mananampalataya? (1 Juan 1:3)

2. Masasabi ba ng mga tao sa iyong paligid na lumalakad ka sa liwanag o lumalakad ka sa kadiliman? (1 Juan 1:6-7)

3. Inaamin mo ba at pinagsisisihan ang iyong mga kasalanan? (1 Juan 1:8)

4. Sumusunod ka ba sa Salita ng Diyos? (1 Juan 2:3-5)

5. Ang iyong buhay ba ay kinakikitaan ng pag-ibig sa Diyos sa halip na pag-ibig sa sanlibutan? (1 Juan 2:15)

6. Ang iyong buhay ba ay kinakikitaan ng paggawa ng mabuti? (1 Juan 2:29)

7. Ninanais mo bang patuloy na magkaroon ng matuwid na pamumuhay? (1 Juan 3:3)

8. Nararanasan mo ba ang unti-unting pagkawala ng pagnanais sa kasalanan? Do (1 Juan 3:5-6) [Nangangahulugan ito ng hindi pagpapatuloy sa kasalanan, hindi ng kawalan ng kasalanan]

9. Iniibig mo ba ang iyong mga kapatid sa pananampalataya? (1 Juan 3:14)

10. Ginagawa mo ba ang iyong sinasabi o sumsalungat ang iyong mga gawa sa iyong sinasabi? (1 Juan 3:18-19)

11. Ninanais mo bang patuloy na magkaroon ng isang malinis na budhi? (1 Juan 3:21)

12. Nararanasan mo ba ang pagtatagumpay sa iyong pamumuhay bilang isang Kristiyano? (1 Juan 5:4)

Kung masasagot mo ng "oo" ng buong katapatan ang mga tanong sa itaas o karamihan sa kanila, (habang nagsisikap ka pang maisapamuhay ang iba pa), ang buhay mo ay tunay na kinakikitaan ng bunga ng kaligtasan. Sinabi ni Hesus na makikilala ang Kanyang mga alagad sa kanilang mga gawa (Mateo 7:20). Ang mga sangang hindi namumunga - ang mga nagsasabing may pananampalataya ngunit hindi kinakikitaan ng bunga ng Espiritu (Galacia 5:22-23) ay itinatapon at sinusunog sa apoy (Juan 15:2). Ang may tunay na pananampalataya ay hindi lamang naniniwala sa Diyos (ang diyablo man ay nananampalataya din - Santiago 2:19) ngunit patuloyna nagsisisi sa kanyang mga kasalanan at patuloy na namumuhay sa pagsunod sa utos dahil sa iniibig Niya si Kristo. Tandaan natin na tayo ay naligtas sa biyaya sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi dahil sa ating mga gawa (Efeso 2:8-9), ngunit dapat na nakikita sa ating mga gawa ang katotohanan ng ating kaligtasan (Santiago 2:17-18). Ang tunay na pananampalatayang nagliligtas ay nagbubunga ng mabubuting gawa; ang pananampalataya na walang gawa ay hindi tunay na pananampalataya at hindi makapagliligtas ng sinuman.

Bilang katibayan sa mga kumpirmasyong ito, dapat nating tandaan ang mga pangako ng Diyos at ang katotohanan ng ating pakikibakang espiritwal. Si satanas ay kasing totoo ng ating Panginoong Hesus at siya ang kaaway ng ating kaluluwa. Nang manumbalik tayo kay Kristo, naghahanap si Satanas ng pagkakataon upang dayain at talunin tayo. Susubukan niya tayong kumbinsihin na tayo ay mga talunan at hindi karapatdapat at sumuko na ang Diyos sa atin. Nang tayo ay maging kay Kristo, mayroon tayo ng katiyakan ng Kanyang pagiingat. Nanalangin si Hesus para sa atin sa Juan 17:11, "ingatan Mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Iyong pangalan - pangalang ibinigay Mo sa Akin - upang sila'y maging isa, gaya nating iisa." Muli sa talatang 15, nanalangin Siya, "Ingatan Mo sila mula sa masama."

Sa Juan 10:27-29, sinabi ni Hesus, "Nakikinig sa Aking tinig ang Aking mga tupa; nakikilala Ko sila, at sumusunod sila sa Akin. Binibigyan Ko sila ng buhay na walang hanggan, at hindi sila mapapahamak; walang makakaagaw sa kanila sa Aking mga kamay. Ang Aking Ama na nagbigay sa kanila sa Akin ay lalong dakila sa lahat; walang makaaagaw sa kanila sa kamay ng Aking Ama." Kung naririnig mo at sinusunod ang tinig ni Hesus, isa ka sa Kanyang mga tupa at hindi ka Niya bibitiwan kailanman. Nagbigay si Hesus ng napakagandang paglalarawan kung paanong iniingatan ng Diyos ang mga Kristiyano. Sinabi Niya na hinahawakan Niya sila ng Kanyang mga kamay gaya ng mga kamay ng ating mapagpalang Ama na siyang nagbibigay sa atin ng dobleng katiyakan ng buhay na walang hanggan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang mga tanda ng tunay na pananampalataya o pananampalatayang nagliligtas?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries