Tanong
Ang pagkakatulad ba ng DNA ng tao at DNA ng chimpanzee ang ebidensya para sa teorya ng ebolusyon?
Sagot
Sa mga nagdaang taon, ang “genome mapping” ang nagbigay daan sa detalyadong paghahambing sa DNA ng tao at ng chimpanzee. Marami ang nagaangkin na may 98% na pagkakatulad sa DNA ng tao at ng chimpanzee. Sa tuwina, ito ang ginagamit na malakas na ebidensya na iisa ang pinanggalingan ng mga unggoy at ng mga tao. Ngunit makatwiran ba ang argumentong ito? Ito ba ang magpapatunay na iisa ang ninuno ng tao at ng chimpanzee? Pinanghahawakan namin na ang sinasabing 98% na pagkakatulad ay mapandaya. Sa katotohanan, kung sisiyasatin ang mga datos, ang paghahambing sa genome ng tao at ng chimpanzee ay magpapatunay na komokontra ito sa prediksyon ng ebolusyon.
Sa katotohanan, ang pagkakaiba sa genes sa pagitan ng tao at ng chimpanzee ay mahigit pa sa dalawang porsiyento. Ipinakita ng mas makabagong pagaaral ang tunay na pagkakaiba sa genes ng tao at chimpanzee at ito ay halos limang porsiyento. Kaya nga ang “mahigit na 98 porsiyento” ay isang kalabisan.
Ang pagkakaiba sa pagitan ng kaayusan ng DNA ng tao at ng chimpanzee ay hindi nakakalat ng walang direksyon sa genome. Sa halip, ang pagkakaiba ay matatagpuan ng pulu-pulutong. Sa aktwal, sa mga partikular na lokasyong iyon, ang genome ng chimpanzee ay mas kapareho ng genome ng ibang uri ng unggoy. Ang genome ng tao ay kakaiba sa lahat. Tinutukoy ng mga siyentipiko ang mga “pulu-pulutong” na ito na human accelerated regions (HAR’s) dahil ang genome ng tao ay ipinagpapalagay na kapareho ng ninuno ng mga chimpanzee. Ang mga HAR na ito ay matatagpuan sa mga bahagi ng DNA na hindi nagtataglay ng code ng genes. Ngunit ang HAR ang sanhi ng mabilis na pagbabago sa mga lugar na genes kung saan naroroon ang mga pulutong at nagiging daan sa mahahalagang pagkakaiba sa trabaho ng organismo na kinakailangan upang makabuo ng tao.
Ang ganitong “aksidente” sa pagkabuo ng tao mula sa chimpanzee ay isang hindi kapanipaniwalang kwento. Ngunit hindi lamang ito. May ilang HAR ang matatagpuan sa mga segments ng genes na nagbibigay ng modelo para sa genes at ito ang dahilan ng napakaraming problema. Inaasahan ng ebolusyon na ang tao ay nagmula sa unggoy na siya ring ninuno ng chimpanzee sa pamamagitan ng natural na pagpili o natural selection na kumikilos ng ala-tsamba upang makagawa ng isa pang may buhay sa pamamagitan ng mutations. Gayunman, ipinakikita ng mga pagsasaliksik kamakailan lamang ang kabaliktaran. Ang mga HAR ay natagpuan sa mga lugar kung saan ang protina na pinaggagayahan ng genes ay hindi nagpapakita ng mutations na nagiging daan para sa paglikha na isa pang nilalang sa halip, ang pagbabago sa genes ay nagpapaktia ng ebidensya na ito ay bumubura ng code sa mismong genes. Ang ganitong resulta ay hindi sumusuporta sa balangkas ng teorya ng ebolusyon.
Malinaw na ang HAR ay nagpapakita ng kalakaran kung saan maoobserbahan ang mga pagkakaiba sa DNA (kumpara sa ibang species) na tipikal na nagpapadami ng genetic code o G-C sa isang partikular na rehiyon ng DNA. Hinuhulaan ng ebolusyon na ang batayan ng G-C ay hindi nagbabago habang ang natural na pagpili o natural selection ay pumipili ng pagbabago na magpapabuti sa protina. Kung totoo ang ebolusyon, hindi natin maaasahan ang isang hindi nagbabagong kalakaran para sa pagdami ng G-C sa DNA.
Ang mga HAR na ito ay hindi laging limitado sa pagkopya ng codes ng gene, ngunit laging nagpapalawig ng lampas pa sa hangganan ng pagkakasunod-sunod ng kaayusan sa genes. Iminumungkahi nito na ang mga pagkakaiba na naoobserbahan sa DNA ng tao ay hindi, sa katotohanan, mga konsekwensya ng natural na pagpili na nagaayos ng protina na kinokopya ng genes. Sa tuwina, ang HAR ay nagsasama sama sa isang bahagi ng gene sa loob at sa paligid ng isang exon (hindi sa kabuuan nito), at nakaugnay sa kumbinasyon ng lalaki (ngunit hindi sa babae). Ang ganitong obserbasyon ay halos walang kinalaman sa teorya ng ebolusyon.
Sa pagtatapos, gaano man kaakit-akit ang pagkakapareho sa istruktura ng genes sa pagitan ng tao at chimpanzees, hindi ito ebidensya para sa teorya ni Darwin. Ang mga nagdedisenyo man ay laging gumagawa ng iba’t ibang produkto sa pamamagitan ng paggamit ng parehong bahagi, materyales at ayos. Ang pangkaraniwang bahagdan ay patungkol sa mga rehiyon ng ating DNA na nagreresulta sa mga protina. Mas kapani-paniwala ang pananaw na may nagdisenyo ng kalikasan na Siyang gumamit ng parehong protina upang gumawa ng parehong gawain sa iba’t ibang organismo.
English
Ang pagkakatulad ba ng DNA ng tao at DNA ng chimpanzee ang ebidensya para sa teorya ng ebolusyon?