Tanong
Anong taon namatay si Hesus?
Sagot
Ang kamatayan ni Hesus at ang Kanyang pagkabuhay na mag-uli pagkatapos ng tatlong araw ang isa sa pinakamahalagang pangyayari sa kasaysayan mula ng likhain ang sanlibutan. Ito ang dahilan kung paanong ang tao na nahiwalay sa Diyos dahil sa kasalanan ay maaaring maging kasundo ng Diyos, “At kayo, nang nakaraang panahon ay nangahihiwalay at mga kaaway sa inyong pagiisip sa inyong mga gawang masasama. Gayon ma'y pinakipagkasundo niya ngayon sa katawan ng kaniyang laman, sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo'y iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan niya” (Colosas 1:21–22). At sa pamamagitan ng pagkabuhay na mag-uli ni Hesus, “ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na pagasa...” (1 Pedro 1:3). Gaya ng maraming pangyayari na itinala sa Bibliya, hindi nito ibinigay ang eksaktong taon at petsa ng kamatayan ni Hesus. Ngunit maaari natin itong matuklasan ng may mataas na antas ng katiyakan.
Bagamat ang hinati hati ang edad ng kasaysayan ng mundo sa pagitan ng B.C. (bago dumating si Kristo) at A.D. (anno domini – ‘sa taon ng ating Panginoon’), aktwal na isinilang si Hesus sa pagitan ng 6 at 4 B.C. Nakuha namin ang petsang ito base sa kamatayan ni Herodes na dakila na opisyal noon sa Judea mula 47 B.C. hanggang 4 B.C. Pagkatapos na mamatay si Herodes noong 4 B.C. sinabihan ng isang anghel sina Hesus at Maria na bumalik sa Israel mula sa Egipto kasama ang batang si Hesus (Mateo 2:19).
May ilang kaparaanan kung paano natin matutukoy ang taon ng kamatayan ni Hesus. Alam natin na inumpisahan ni Juan Bautista ang kanyang ministeryo noong 26 A.D. base sa tala na makikita sa Lukas 3:1. Maaaring sinimulan ni Hesus ang Kanyang ministeryo sa publiko pagkatapos na umpisahan ni Juan Bautista ang kanyang sariling ministeryo. Nagministeryo si Hesus sa publiko sa loob ng humigit kumulang tatlo at kalahating taon. Kaya ang pagtatapos ng Kanyang ministeryo ay naganap humigit kumulang 29–30 A.D.
Kilalang naghari si Pontio Pilato sa Judea mula 26 hanggang 36 A.D. Ang pagpako kay Hesus sa krus ay naganap sa isang pista ng Paskuwa (Markos 14:12), at ang katotohanang ito kasama ang datos na astronomikal (ang kalendaryo ng mga Hudyo ay base sa pagikot ng buwan sa mundo) ang magpapakitid sa pagpipilian sa dalawang petsa lamang —Abril 7, 30 A.D., at Abril 3, 33 A.D. May mga argumento ang mga iskolar na sumusuporta sa dalawang petsang ito; nangangahulugan ang A.D. 33 na nagkaroon si Hesus ng mas maraming taon ng pagmiministeryo. Ang A.D. 30 naman ang tila tumutugma sa pagmiministeryo ni Hesus sa loob ng tatlong taon at kalahati na maaaring matukoy sa pamamagitan ng Lukas 3:1.
Napakarami na ang naganap sa mundo mula noong panahon ni Kristo, ngunit walang anumang pangyayari sa kasaysayan ang makakatapat sa laki at bigat ng kabuluhan ng nangyari noong A.D. 30 – ang kamatayan at pagkabuhay na mag-uli ng Tagapagligtas ng sangkatauhan.
English
Anong taon namatay si Hesus?