settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa taong kweba, sinaunang tao, o mga taong Neanderthal?

Sagot


Hindi ginamit sa Bibliya ang mga salitang "taong kweba" o mga "taong Neanderthal," at ayon sa Bibliya walang tao na tinatawag na "sinaunang tao." Ang terminolohiya na "sinaunang tao" ay nangangahulugan na "isang tao na lumabas noong panahon na wala pang naitalang kasaysayan." Ipinapalagay ng ganitong panainiwala na ang mga kwento sa Bibliya ay gawa gawa lamang ng tao dahil itinala sa Aklat ng Genesis ang mga pangyayari bago ang paglikha sa tao (ang limang araw na paglikha - nilikha ang tao sa ika anim na araw). Malinaw ang itinuturo ng Bibliya na ganap tao na si Adan at Eba ng likhain sila at hindi sila dumaan sa ebolusyon mula sa mas mababang uri ng nilalang na may buhay.

Inilalarawan ng Bibliya ang isang yugto ng dramatikong pagbabago sa mundo noong panahon ng baha (Genesis 6-9), kung kailan ang lahat ng sibilisasyon ay nawasak at namatay ang lahat ng tao maliban sa walong katao. Napilitan ang sangkatauhan na magsimulang muli. Sa kontekstong ito ng kasaysayan, inaakala ng mga iskolar na ang mga tao ay namuhay sa kweba at gumamit ng mga kagamitang yari sa bato. Ang mga taong ito ay hindi primitibo o walang alam; sila ay simpleng mga dukha lamang. At tiyak na hindi rin sila kalahating tao at kalahating unggoy. Ang mga kalansay na nahuhukay ay ebidensya na ang mga taong kweba ay mga totoong tao, hindi mga taong unggoy na namuhay sa mga kweba.

May mga nahuhukay na kalansay ng mga unggoy na itinuturing ng mga antropologo na naniniwala sa teorya ni Darwin na ang mga ito ay tulad sa pagbabago ng kalagayan sa pagitan ng unggoy at ng tao. Maraming tao ang pinaniniwalaan ang haka haka na ang mga kalansay na ito ay labi ng mga taong kweba. Inilalarawan nila ang isang mabalahibong nilalang na kalahating tao at kalahating unggoy na nakaupo sa isang kweba katabi ng apoy at gumuguhit sa pader ng kweba sa pamamagitan ng kanilang bagong tuklas na kagamitan. Ito ang karaniwang maling pagaakala. At saan man makaabot ang pananaw ng mga tagasunod ng teorya ng ebolusyon ni Darwin, dapat nating tandaan na ang ganitong mga interpretasyon ay sumasalamin sa isang kakaibang pananaw at hindi resulta ng mga ebidensya. Ang totoo, hindi lamang may mga oposisyon sa ganitong interpretasyon sa komunidad akademiko kundi mayroon ding pagkakakontrahan sa mga mismong naniniwala sa teorya ni Darwin.

Sa kasawiang palad, ang mga popular na grupo ng relihiyon ay itinataguyod ang ideya na ang tao at ang unggoy ay nanggaling sa parehong mga ninuno, ngunit ang interpretasyong ito ay hindi mapapatunayan ng mga ebidensya. Ang totoo, ang ebidensya na pabor sa partikular na interpretasyong ito ay napakulang.

Nang likhain ng Diyos si Adan at Eba, sila ay ganap ng mga tao na may kakayahang makipagusap, makipagkapwa tao, at magisip (Genesis 2:19-25; 3:19-25; 4:1-12). Nakakaengganyo na isaalang-alang ang napakahabang paliwanag ng mga siyentipiko upang patunayan na may mga sinaunang tao na kalahating tao at kalahating unggoy. Mula sa isang nahukay na kakaibang korte ng ngipin, lilikha sila ng isang kakatwang korte ng mukha ng tao at kubang gaya ng isang urang-utang na ipagpapalagay na nakatira sa isang sa kweba. Walang paraan upang patunayan ng siyensya ang pagkakaroon ng mga taong kweba sa pamamagitan ng mga fossils. May isa lamang teorya ang mga naniniwala sa ebolusyon at pinipilit nilang iangkop sa kanilang teorya ang mga ebidensya. Sina Adan at Eba ang unang mga tao na nilikha ng Diyos at nilikha silang ganap na tao na nakakatayo ng tuwid hindi gaya ng mga unggoy. Sila ay nilikhang may katalinuhan at natatanging kakayahan ng isang ganap na tao.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa taong kweba, sinaunang tao, o mga taong Neanderthal?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries