settings icon
share icon
Tanong

Ano ang teolohiya ng teolohiya ng Bagong Tipan?

Sagot


Ang teolohiya ng Bagong Tipan ay ang pagaaral sa mga ipinahayag ng Diyos tungkol sa Kanyang sarili sa Bagong Tipan. Tinitipon ng teolohiya ng Bagong Tipan ang iba’t ibang katotohanan na itinuro ng mga manunulat ng mga aklat sa Bagong Tipan tungkol sa Diyos at itinuturo ang mga iyon sa isang organisadong pamamaraan. Ipinapahayag sa Bagong Tipan ang pagdating ng Mesiyas o Tagapagligtas na hinulaan sa lumang tipan (Isaias 9), ang pagtanggi ng Israel sa Mesiyas, ang katuparan ng Kautusan, ang pagsilang ng Iglesya (ang katawan ni Kristo), ang panahon ng iglesya, ang ebanghelyo ni Hesu Kristo, at ang mga katuruan para sa mga sumasampalataya kay Hesu Kristo.

Binanggit ni Hesu Kristo ang pariralang “bagong tipan” (o bagong kasunduan) sa Huling Hapunan (Lukas 22:20). Tinukoy ni Pablo ang bagong tipan bilang laman ng kanyang ministeryo kung saan siya tinawag (2 Corinto 3:6). Ang lumang tipan ay tala ng pagkatawag at kasaysayan ng bansang Israel. Naglalaman ito ng Kautusan ni Moises - ang lumang tipan kung saan nakatali ang Israel sa loob ng maraming taon. Tinatalakay naman sa bagong tipan ang kasaysayan ng iglesya at ang pagtubos ni Kristo sa tao mula sa Kautusan (Galacia 4:4–5), katubusan na Kanyang ipinagkaloob sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan (Efeso 1:7). Bilang bagong tipan, pinalitan na nito ang luma (Hebreo 8:6, 13).

Ang teolohiya ay ang pagaaral ng mga doktrina ng Bibliya na sumusunod sa progresibong kapahayagan ng Diyos sa tao mula sa umpisa ng panahon sa Genesis hanggang sa panahon ng pagtatapos ng aklat ng Pahayag. Pangunahing tinatalakay sa teolohiya ng Bagong Tipan ang pagaaral tungkol kay Kristo (Kristolohiya), iglesya (ecclessiology), at kaligtasan (soteriology). Dagdag pa sa mga ito, pinalalawak nito ang ating kaalaman tungkol sa mga mangyayari sa huling araw (eschatology), mga anghel (angelology), kasalanan (hamartiology), at iba pang sangay ng teolohiya. English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang teolohiya ng teolohiya ng Bagong Tipan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries