settings icon
share icon
Tanong

Ano ang teolohiyang kontekstwal?

Sagot


Ang teolohiyang kontekstwal na kilala rin sa tawag na “enkulturasyon” ay tumutukoy sa paraang ginagamit ng iglesya noon pa man upang iangkop ang kanilang katuruan sa kulturang mayroon sila. Maraming halimbawa nito ngunit higit na maganda ang halimbawa sa 1 Corinto 11:4-7. Ang itinuturo ni Pablo sa mga talatang ito ay tungkol sa pagtatakip sa ulo. ayon sa kanilang kultura ang babaeng hindi nagsusuot ng belo ay kahiya-hiya sapagkat ang belo ng asawang babae ay patunay na sila ay nagpapasakop sa kanilang asawa at nagpapakita ito ng pagpapasakop nila sa Diyos. Sa kultura ng mga taga-Corinto, normal sa asawang babae ang pagsusuot ng belo o takip sa ulo bilang simbolo ng kanilang pagpapasakop sa asawa. Sumasang-ayon naman si Pablo na tama ang pagsunod sa panuntunang kultural na iyon. Kaya't ang hindi pagsusuot ng belo ng mga babae ay maghahatid ng maling hudyat sa kabuuan ng kanilang kultura. Sa katunayan, sinabi ni Pablo na kung ang kristiyanong babae ay ayaw magsuot ng belo, magpakalbo na rin siya- na isang kahiya-hiyang hakbang(talatang 6). Ang babaing ayaw magsuot ng belo ayon sa kanilang kultura ay nagsasabing, “ayaw kong magpasakop sa utos ng Diyos.” Kaugnay nito, itinuturo ni Apostol Pablo na ang pagtatakip ng babae sa ulo ay panlabas na indikasyon ng pusong nagpapasakop sa Diyos at sa kanyang itinatag na awtoridad. Ipinapakita nito sa atin na may kinalaman ang teolohiyang kontekstwal sa paggamit o pag-angkop ng katuruang ito sa iba't-ibang kultura.

Kaya't malinaw na ang mga katuruan sa Bibliya minsan ay kailangang ipaliwanag ayon sa konteksto ng kultura. Gayunman, dapat nating tanggapin na ang batayang prinsipyo ng Salita ng Diyos ay hindi nagbabago buhat ng ito ay maisulat hanggang ngayon. Kaugnay niyan, ang makikita nating prinsipyo sa mga talata ng 1 Corinto ay nagsasabi na si Cristo ang ulo ng katawan at ang lalaki ang ulo ng kanyang asawa, na kailangang nagpapasakop sa kanya at ipinapakitang tama ang kanyang pagpapasakop batay sa kultura.

Ginagamit ng teolohiyang kontekstwal ang mga prinsipyo mula sa Bibliya ngunit ito ay sinasala sa pamamagitan ng napapanahon o kasalukuyang batayan. Halimbawa, dapat isaalang-alang ng taong nagnanais gumawa ng isang sistemang teolohikal ang mga salik na linggwistiko, sosyo-pulitikal, kultural, at ideolohikal. Ang resulta nito minsan ay pagsasama sama ng mga paniniwala. Ang konteksto ng “pagsunod kay Jesus” sa isang kultura ay maaaring iba kaysa konteksto ng “pagsunod kay Jesus” sa kultura ng ibang bahagi ng mundo, na maaaring hindi magmukhang Kristiyanismo. Ipinapakita ng lahat ng ito sa atin na ang teolohiyang kontekstuwal ay kinakailangang gamitin ng maingat. sapagkat mayroon laging panganib na maipagsapalaran ang katotohanan at mawala ang ebanghelyo sa mga salin, kung hindi tayo magiging maingat sa pag angkop ng katotohanan sa kultura .

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang teolohiyang kontekstwal?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries