Tanong
Ginamit ba ng Diyos ang ‘Big Bang’ sa paglikha sa sansinukob?
Sagot
Mahigpit na kinokontra ng mga Kristiyano ang teorya ng ‘Bing Bang.’ Ginagamit ng mga naniniwala sa Big Bang ang konseptong ito upang ipaliwanag ang pinagmulan ng sansinukob na hindi isinasali ang Diyos. Ginagamit naman ng iba ang teorya ng ‘Big Bang’ sa pagtuturo na ang Diyos mismo ang sanhi ng ‘Big Bang.’ Sa walang hanggang karunungan at kapangyarihan ng Diyos, maaari Niyang piliin ang proseso ng ‘Big Bang’ sa paglikha sa sansinukob, pero hindi Niya ito ginawa. Ang walang pasubaling pwedeng sabihin ay kinokontra ng Bibliya ang teoryang ito. Narito ang mga pagkakasalungatan sa pagitan ng Bibliya at ng teorya na ‘Big Bang:’
Sa Genesis 1, nilikha ng Diyos ang mundo bago ang araw at mga bituin. Itinuturo ng teorya ng ‘Big Bang’ ang kabaliktaran nito. Sa Genesis 1, nilikha ng Diyos ang mundo, araw, buwan, mga bituin, mga halaman, mga hayop, at ang tao sa loob ng anim na araw na may tig 24-oras. Itinuturo ng teorya ng ‘Big Bang’ na nagkaroon ng mga bagay sa loob ng bilyun-bilyong taon. Sa Genesis 1, nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang salita. Itinuturo ng teorya ng ‘Big Bang’ na naroon na ang mga bagay ngunit kailanman hindi nito ipinaliwanag ang unang pinagmulan ng mga bagay.
Sa Genesis 1, ihininga ng Diyos ang buhay sa katawan ng Kanyang nilikhang tao na si Adan. Itinuturo ng teorya ng ‘Big Bang’ ang bilyun bilyong taon ng pag-inog ng mga pangyayari para magkaroon ng unang tao, ngunit kailanman hindi nito ipinaliwanag kung paano nangyari ang “pag-evolve” ng unang mikroskopikong porma ng buhay mula sa hindi buhay na atom. Sa Bibliya, ang Diyos ay walang-hanggan ngunit ang mga bagay sa sansinukob ay may hangganan. May iba't-ibang bersyon ng teorya ng ‘Big Bang,’ ngunit itinuturo ng karamihan sa mga ito na walang hanggan ang sansinukob at/o mga bagay. Sa Genesis 1, nahahayag ang pagkakaroon ng Diyos, “Nang pasimula ay nilikha ng Diyos...” Ang tunay na layunin ng teorya ng ‘Big Bang’ ay tanggihan at hindi paniwalaan ang Diyos na Manlilikha.
English
Ginamit ba ng Diyos ang ‘Big Bang’ sa paglikha sa sansinukob?