settings icon
share icon
Tanong

Ano ang theophany (pagpapakita ng Diyos sa anyong tao)? Ano ang Christophany (pagpapakita ni Kristo sa anyong tao)?

Sagot


Ang theophany ay manipestasyon ng Diyos sa Bibliya na nakikita, nahihipo o nadarama ng tao. Sa isang mahigpit na pagpapakahulugan, ito ay ang nakikitang kapahayagan ng Diyos sa panahon ng Lumang Tipan na kadalasan, ngunit hindi lagi, ay sa anyong tao. Ang ilan sa mga theophanies sa Bibliya ay ang mga sumusunod:

1. Genesis 12:7-9 – Nagpakita ang Panginoon kay Abraham sa kanyang pagdating sa lupaing ipinangako ng Diyos sa kanya at sa kanyang angkan.

2. Genesis 18:1-33 – Isang araw, nagkaroon si Abraham ng mga bisita: dalawang anghel at ang Diyos mismo. Inimbitahan niya sila sa kanyang tahanan at inasikaso sila ni Sarah. Maraming komentarista ng Bibliya ang naniniwala na maaaring ito rin ay isang Christophany o pagpapakita ni Kristo sa anyong tao bago Siya nagkatawang tao.

3. Genesis 32:22-30 – Nakipagbuno si Jacob sa isang tila tao ngunit sa aktwal pala ay Diyos (t. 28-30). Maaaring ito rin ay isang Christophany.

4. Exodo 3:2 - 4:17 – Nagpakita ang Diyos kay Moises sa anyo ng isang nagaapoy na puno, at sinabi sa Kanya kung ano ang ibig Niyang gawin ni Moises.

5. Exodo 24:9-11 – Nagpakita ang Diyos kay Moises at Aaron at sa kanyang mga anak at sa pitumpung (70) matatanda.

6. Deuteronomio 31:14-15 – Nagpakita ang Diyos kina Moises at Josue sa pagsasalin ng pamumuno ni Moises kay Josue.

7. Job 38–42 – Sumagot ang Diyos kay Job mula sa bagyo at nagsalita ng mahaba bilang sagot sa tanong ni Job.

Kadalasan, ang terminong ‘kaluwalhatian ng Panginoon’ ay naglalarawan sa theopany, gaya sa Exodo 24:16-18; ang ‘haliging ulap’ ay may kapareho ring layunin sa Exodo 33:9. Ang pagpapakilala sa mga theophanies ay maaaring makita sa mga salitang ‘bumaba ang Panginoon,’ gaya sa Genesis 11:5; Exodo 34:5; Bilang 11:5; at 12:5.

May ilang komentarista ng Bibliya ang naniniwala na sa tuwing ang isang tao ay binibisita ng ‘Anghel ng Panginoon,’ sa katotohanan, ito ay ang Panginoong Hesu Kristo noong hindi pa Siya nagkakatawang tao. Ang mga pagpapakitang ito ay maaaring matungyahan sa Genesis 16:7-14; Genesis 22:11-18; Hukom 5:23; 2 Hari 19:35; at iba pang mga talata. Ang ibang komentarista naman ay naniniwala na sa katotohanan ang mga ito ay angelophanies, o pagpapakita ng mga Anghel sa anyong tao. May mga taong pinagdududahan ang pagpapakita ni Kristo sa Lumang Tipan. Ang bawat theophany kung saan nagpapakita ang Diyos sa anyo ng isang tao ay ang pagpapahiwatig ng Diyos sa gagawing pagkakatawang tao ni Hesus, noong kunin Niya ang anyo ng isang alipin upang mamuhay na kasama natin (Mateo 1:23).



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang theophany (pagpapakita ng Diyos sa anyong tao)? Ano ang Christophany (pagpapakita ni Kristo sa anyong tao)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries