settings icon
share icon
Tanong

Ano ang tipan kay Adan?

Sagot


Ang tipan kay Adan ay maaaring hatiin sa dalawang bahagi: Ang tipan sa Eden (kawalang malay at ang tipan kay Adan (biyaya). Ang tipan sa Eden ay makikita sa Genesis 1:26-30; 2:16-17. Kasama sa mga detalye ng tipang ito ang mga sumusunod:

Ang sangkatauhan (lalaki at babae) ay nilikha sa wangis ng Diyos.

Ang pamamahala ng sangkatauhan sa mga hayop.

A g utos ng Diyos para sa sangkatauhan na magpakarami at tirahan ang buong mundo.

Ang sangkatauhan ay kakain ng gulat (ang pagkain ng karne ay itinatag sa Tipan kay Adan: Genesis 9:3.

Ipinagbawal ang pagkain ng bunga ng puno ng kaalaman sa mabuti at masama (na may kalakip na parusang kamatayan).

Ang Tipan kay Adan at makikita sa Genesis 3:16-19. Bilang resulta ng kasalanan ni Adan, inihayag ang mga sumusunod na sumpa:

Magkakaroon ng labanan sa pagitan ni Satanas at Eba at mga inapo ni Eba.
Masakit na panganganak para sa mga babae.
Pagaaway ng magasawa.
Sumpa sa lupa.
Ang paglitaw ng mga tinik at mga dawag.
Ang paghihirap para mabuhay.
Pagkakaroon ng kamatayan.
Ang kamatayan ay hindi matatakasang kapalaran ng lahat ng mga bagay na may buhay.

Bagama’t ang mga sumpang ito ay hindi matatakasan at mahirap, kasama din sa mgasumpang ito ang isang kahanga-hangang pangako ng biyaya sa tipan kay Adan. Laging tinutukoy ang Genesis 3:15 bilang “pinakaunang Ebanghelyo.” Sinabi ng Diyos kay Satanas, “At papagaalitin ko ikaw at ang babae, at ang iyong binhi at ang kaniyang binhi: ito ang dudurog ng iyong ulo, at ikaw ang dudurog ng kaniyang sakong.”

Ipinangako dito ng Diyos na may isang isisilang ang babae na masusugatan sa proseso ng pagwasak kay Satanas. Ang “binhi” ng babae na dudurog sa ulo ng ahas ay walang iba kundi si Jesu Cristo (tingnan ang Galatia 4:4 at 1 Juan 3:8). Kahit sa gitna ng sumpa, ang mabiyayang probisyon ng Diyos ng kaligtasan ay nangibabaw.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang tipan kay Adan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries