Tanong
Ano ba ang ‘Tribulation’? Paano natin malalaman na ang ‘Tribulation’ ay tatagal ng pitong taon?
Sagot
Ang ‘Tribulation’ ay ang paparating na pitong taon ng paghihirap kung kailan tatapusin na ng Diyos ang ang kanyang pagdidisiplina sa Israel at isasakatuparan ang kanyang hatol sa mga hindi mananampalataya sa buong mundo. Ang iglesia, na binubuo ng lahat ng mga nananampalataya kay Kristo at sa kanyang mga ginawa ay ligtas na mula sa kaparusahan ng kanilang mga kasalanan at hindi na makakaranas pa ng ‘Tribulation.’ Ang mga mananampalataya ay aalisin sa mundo sa pamamagitan ng rapture o pagdagit sa mga mananampalataya (1 Tesalonica 4:13-18; 1 Corinto 15:51-53). Ang mga mananampalataya ay ligtas na sa paparating na poot ng Panginoon (1 Tesalonica 5:9). Sa buong Kasulatan, ang ‘Tribulation’ ay tinukoy sa iba't-ibang katawagan gaya ng mga sumusunod:
1) Ang araw ng Panginoon (Isaias 2:12; 13:6, 9; Joel 1:15, 2:1, 11, 31, 3:14; 1 Tesalonica 5:2)
2) Paghihirap o ‘Tribulation’ (Deuteronomio 4:30; Zofonias 1:1)
3) Walang kapantay na pagdurusa na tumutukoy sa ikalawang bahagi o yugto (3 taon) ng pitong taon ng pagdurusa (Mateo 24:21)
4) Oras o araw ng pagsubok (Daniel 12:1; Zofonias 1:15)
5) Oras ng pagsubok kay Jacob (Jeremias 30:7)
Ang pagkaunawa sa aklat ng Daniel 9: 24-27 ay kinakailangan upang malaman ang layunin ng ‘Tribulation’ at kung kalian ito darating. Ang mga talatang ito sa aklat ng Daniel ay tumutukoy sa pitumpung (70) linggo na laban sa "inyong mga tao." Ang tinutukoy na mga tao ni Daniel ay ang mga Hudyo, ang bansang Israel at ang sinasabi sa Daniel 9:24 na panahon na ibinigay ng Diyos ay para sa katapusan ng mga paglabag sa alituntuning moral, pagwawakas sa kasalanan, pagtubos sa mga kasalanan, at paglalapat ng walang hanggang kabutihan upang tapusin na ang mga pangitain at mga hula, at piliin ang pinakabanal na lugar. Ipinahayag ng Diyos na sa loob ng "pitumpung linggong" yaon, matutupad ang lahat ng mga bagay na ito. Mahalagang maunawaan na kung nababanggit ang "pitumpung linggo," hindi ito tumutukoy sa karaniwang linggo na alam natin (o pitong araw). Ang salitang Hebreo na (Heptad) na isinalin sa salitang ‘linggo’ sa aklat ng Daniel 9:24-27 ay literal na nagangahulugan ng pito at pitumpung linggo o (70 X 7). Ang yugtong ito ng panahon ay tumutukoy sa pitong pitumpung taon o apatnaraan at siyamnapung taon. Ito'y sinangayunan ng iba pang talata sa aklat ng Daniel. Sa talata 25 at 26, sinabihan si Daniel na ang Mesias ay mahihiwalay ng "pito at animnapu’t dalawang linggo" (o sa kabuuan ay animnapu’t siyam na linggo) na magsisimula sa kautusan na muling itayo ang Jerusalem.
Samakatwid, sa loob ng pitong animnapu’t siyam na taon (483 taon) matapos ang utos na itayong muli ang Jerusalem, ang Mesias ay mahihiwalay. Pinatunayan ng mga dalubhasa sa kasaysayan ng Biblia na apatnaraan at walumpu’t tatlong taon ang nakalipas mula ng iniutos ang muling pagtatayo sa Jerusalem hanggang sa panahon ng pagpako kay Kristo sa krus. Karamihan sa mga iskolar ng Kristiyanismo, bagama't nagkaka iba-iba ang kanilang mga pananaw sa mga darating na pangyayari, ay nagkakasundo sundo sa kanilang pangunawa sa pitumpung lingo na sinasabi sa aklat ng Daniel.
Sa paglipas ng apat na raan at walumpu’t tatlong taon simula ng iutos na itayong muli ang Jerusalem hanggang sa pagkahiwalay sa Mesias, ito'y binubuo ng pitong taon matapos matupad ang Daniel 9: 24, "Ang lunsod na ito at ang iyong mga kababayan ay binibigyan ng 490 taon upang tigilan ang pagsalansang, layuan ang kasamaan at pagsisihan ang kasalanan. Pagkatapos, iiral na ang katarungan at magaganap na ang kahulugan ng pangitain. Itatalaga na ang Dakong Kabanal-banalan." Ang huling pitong taong ito ay kilala bilang yugto ng ‘Tribulation’ - ito ay ang panahong tatapusin na ng Diyos ang paghatol sa Israel dahil sa kanilang mga kasalanan.
Isinalaysay sa Daniel 9: 27 ang ilang mga mahahalagang pangyayari sa pitong taon ng ‘Tribulation’. Sinasabi sa aklat ng Daniel 9: 27, "Ang pinunong ito'y gagawa ng isang matibay na pakikipagkasundo sa makapal na tao sa loob ng pitong taon. Pagkaraan ng tatlong taon at kalahati, pipigilin niya ang paghahandog. Itataas niya sa templo ang Kalapastanganang Walang Kapantay at mananatili siya roon hanggang sa ang naglagay sa kanya ay parusahan ng Diyos ayon sa itinakda sa kanya." Ang taong tinutukoy ng talatang ito ay ang taong tinawag ni Hesus na gagawa ng "Kalapastanganang Walang Pangalawa (Mateo 24:15) at tinatawag ding ‘halimaw’ sa Pahayag 13. Sinasabi sa Daniel 9:27 na ang halimaw ay gagawa ng kasunduan sa loob ng isang linggo (7 taon), subalit sa kalagitnaan ng linggong ito (3 taon ng ‘Tribulation’), sisira siya sa nasabing kasunduan, patitigilin niya ang paghahandog ng mga hayop at mga butil. Ipinaliliwanag ng Pahayag 13 na maglalagay ang halimaw ng kanyang imahe sa templo at ipaguutos niya sa lahat ng tao sa mundo na sambahin siya. Sinasabi sa Pahayag 13:5 na magpapatuloy ito sa loob ng apatnapu’t dalawang buwan o 3 taon. Dahil ang Daniel 9:27 ay nagsasabing mangyayari ito sa kalagitnaan ng linggo na tumutukoy sa 7 taon at sinasabi naman sa Pahayag 13:5 na gagawin ito ng halimaw sa loob ng 42 buwan, kung kukuwentahin, ang kabuuan ng panahong ito ay 84 na buwan o pitong taon. Tingnan din sa Daniel 7:25 kung saan ang "tatlong taon at kalahati" ay tumutukoy din sa ‘Tribulation’ samantalang ang kalahati ng pitong taon ng ‘Tribulation’ ay ang panahon ng paghahari ng halimaw.
Para sa iba pang mga mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa ‘Tribulation,’ tingnan din ang aklat ng Pahayag 11:2-3 kung saan binabanggit ang 1,260 na araw at 42 buwan, at ang Daniel 12:11-12 na binabanggit naman ang 1,290 araw at 1,335 araw. Ang lahat ng ito ay may kinalaman sa kalagitnaan ng ‘Tribulation.’ Ang karagdagang araw sa Daniel 12 ay maaaring nagdudugtong sa panahon ng paghatol ng Diyos sa mga bansa (Mateo 25: 31-46) at sa panahon ng pagtatatag ng isang libong taon ng paghahari ni Kristo sa lupa (Pahayag 20:4-6).
English
Ano ba ang ‘Tribulation’? Paano natin malalaman na ang ‘Tribulation’ ay tatagal ng pitong taon?