settings icon
share icon
Tanong

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa tsismis?

Sagot


Ang salitang Hebreo sa Lumang Tipan na isinalin sa wikang tagalog na "tsismis" ay nangangahulugan na "isang tao na nagbubunyag ng mga lihim, isang tao na nagpaparoo"t parito upang maghatid ng malisyosong impormasyon o isang taong gumagawa ng iskandalo." Ang isang tsismoso/tsismosa ay isang tao na pinagkatiwalaan ng isang impormasyon pagkatapos ay ipinagsasabi sa iba ang impormasyong iyon kahit sa mga taong hindi dapat makaalam. Ang tsismis ay kakaiba sa pagbabahagi ng impormasyon sa intensyon nito. Ang layunin ng mga tsismoso/tsismosa ay pagandahin ang tingin ng iba sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagpapasama sa imahe ng iba.

Sa aklat ng Roma, ipinakita ni Pablo ang makasalanang kalikasan at ang pagsalangsang ng sangkatauhan sa mga utos ng Diyos. Sinabi niya kung paano ibinuhos ng Diyos ang Kanyang poot sa mga taong hindi sumusunod sa Kanyang kautusan. Dahil itinakwil nila ang paggabay at katuruan ng Diyos, ibinigay Niya sila sa kanilang makasalanang kalikasan. Kasama sa listahan ng mga kasalanan ng sangkatauhan ang pagti-tsismis at paninirang puri (Roma 1:29b - 32). Makikita natin sa mga talatang ito kung gaano kaseryoso ang kasalanan ng pagtsitsismis at kung paano nito inilalarawan ang kundisyon ng mga taong nasa ilalim ng poot ng Diyos.

Ang isang grupo na kilala noon at hanngang ngayon sa pagtitsismis ay ang mga babaeng balo. Binalaan ni Pablo ang mga balo laban sa pagtitsismis at katamaran. Ang mga babaeng ito ay inilarawan na "matatabil" at mapakialam na nagsisipagsalita ng mga bagay na di nararapat." (1 Timoteo 5:12-13). Dahil likas sa karamihan ng babae ang maggugol ng panahon sa bahay ng bawa't isa at makisama sa ibang babae, naririnig at naoobserbahan nila ang mga sitwasyon na maaaring pakahuluganan ng mali lalo na kung maging paksa ng paulit ulit na kwento. Sinabi ni Pablo na ugali ng mga babaeng balo na mangapitbahay dahil naghahanap sila ng mapagpapalipasan ng oras dahili sa kanilang katamaran. Ang mga tamad na kamay ang instrumento ng Diyablo at nagbababala ang Diyos laban sa katamaran. "Ang yumayaong mapaghatid-dumapit ay naghahayag ng mga lihim: kaya't huwag kang makisalamuha sa kaniya na nagbubukang maluwang ng kaniyang mga labi." (Kawikaan 20:19).

Hindi naman mga babae lamang ang maaaring magkasala ng pagtitsismis. Kahit sino ay maaaring makagawa ng kasalanang ito sa simpleng pag-ulit sa isang bagay na narinig. Ang aklat ng Kawikaan ay naglalaman ng mahabang listahan na tumutukoy sa panganib na dala ng tsismis at ang mga kaguluhan na maaaring maidulot nito sa ibang tao. "Siyang humahamak sa kaniyang kapuwa ay walang karunungan: Nguni't ang taong naguunawa ay tumatahimik. Siyang yumayaong mapaghatid dumapit ay naghahayag ng mga lihim: Nguni't ang may diwang tapat ay nagtatakip ng bagay" (Kawikaan11:12-13).

Sinasabi sa atin ng Bibliya na "ang magdarayang tao ay nagkakalat ng pagtatalo: at ang mapaghatid-dumapit ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik" (Kawikaan 16:28). Maraming pagkakaibigan ang nasira dahil sa hindi pagkakaunawaan na resulta ng isang tsismis. Ang mga gumagawa nito ay walang nagagawa kundi ang magpasimuno ng kaguluhan at magdulot ng galit, poot at sama ng loob sa mga magkakaibigan. Nakalulungkot na maraming tao ang sinasadya ang kasalanang ito at naghahanap pa ng pagkakataon na siraan ang ibang tao. At kung kokomprontahin mo sila, tiyak na itatanggi nila ang kanilang ginawa at mangagatwiran ng katakut takot. Sa halip na aminin ang pagkakasala, sisisihin nila ang ibang tao o tatangkain na paliitin ang kanilang kasalanan. "Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang: lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo. ang suhol ay parang mahalagang bato sa mga mata ng nagtatamo: saan man pumihit ay gumiginhawa" (Kawikaan 18:7-8).

Ang mga nagbabantay sa kanilang dila ay ini-iiwas ang sarili sa mga problema (Kawikaan 21:23). Kaya nga kailangan nating bantayan ang ating mga dila at tumigil sa pagtitsismis. Kung isusuko natin ang ating mga likas na kagustuhan sa Diyos, tutulungan Niya tayo na maging matuwid. Nawa, sundin natin ang katuruan ng Bibliya patungkol sa tsismis sa pamamagitan ng pagtitikom ng ating bibig kung wala rin lamang naman tayong tama at mahalagang sasabihin.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa tsismis?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries