settings icon
share icon
Tanong

Ano ang tuntunin ng moralidad ng mga kristiyano (Christian ethics)?

Sagot


Ang tuntunin ng moralidad ng mga Kristiyano (Christian ethics) ay maayos na binuod sa Colosas 3:1-6, "Kung kayo nga'y muling binuhay na kalakip ni Cristo, ay hanapin ninyo ang mga bagay na nangasa itaas, na kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Dios. Ilagak ninyo ang inyong pagiisip sa mga bagay na nangasa itaas, huwag sa mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa. Sapagka't kayo'y nangamatay na, at ang inyong buhay ay natatagong kasama ni Cristo sa Dios. Pagka si Cristo na ating buhay ay mahayag, ay mahahayag nga rin kayo na kasama niya sa kaluwalhatian. Patayin nga ninyo ang inyong mga sangkap ng katawang nangasa ibabaw ng lupa, pakikiapid, karumihan, masamang pita, masasamang nasa, at kasakiman, na iya'y pagsamba sa mga diosdiosan; Na dahil sa mga bagay na iyan ay dumarating ang kagalitan ng Dios sa mga anak ng pagsuway."

Habang mas mainam ito kaysa sa listahan ng mga ‘maaari’ at ‘hindi maaaring gawin,’ ang Bibliya ay nagbibigay sa atin ng detalyadong instruksyon kung paano tayo mamumuhay sa mundo. Ang Bibliya ang tangi nating dapat pagaralan upang malaman kung paano tayo mamumuhay bilang mga Kristiyano. Gayunman, hindi tuwirang tinalakay sa Bibliya ang lahat ng sitwasyon na ating kinakaharap sa ating mga buhay. Kung ganoon, paano ito magiging sapat para sa ating mga kinakaharap na pagdedesisyon sa ating mga problema? Dito pumapasok ang tuntunin ng moralidad ng mga Kristiyano.

Bingiyang kahulugan ng siyensya ang ‘ethics’ bilang isang pangkat ng mga prinsipyong moral o pagaaral sa moralidad. Kaya nga ang ang tuntunin ng moralidad ng mga kristiyano o ‘Christian Ethics’ ay nagmula sa pananampalatayang Kristiyano na ating ipinamumuhay. Habang hindi nasasakop ng Salita ng Diyos ang lahat ng sitwasyon na ating kinakaharap sa ating buhay, ang mga prinsipyo nito ang nagbibigay sa atin ng pamantayan kung paano tayo kikilos sa mga sitwasyon kung saan walang malinaw na pagtuturo ang Bibliya.

Halimbawa, hindi sinabi sa Bibliya ang tungkol sa paggamit ng ilegal na droga, ngunit base sa mga prinsipyong ating natutuhan sa Kasulatan, alam natin na mali ito. Sa isang banda, sinasabi sa atin ng Bibliya na ang ating katawan ay templo ng Banal na Espiritu at dapat nating parangalan ang Diyos sa pamamagitan ng ating mga katawan (1 Corinto 6:19-20). Dahil alam natin ang ginagawa ng ilegal na droga sa ating mga katawan - at ang pagdudulot nito ng sakit sa ating katawan - alam natin na sa paggamit nito ay sisirain natin ang templo ng Banal na Espiritu. Ang bagay na ito ay hindi nakapagbibigay karangalan sa Diyos. Sinasabi din sa atin ng Bibliya na dapat nating sundin ang mga may kapangyarihan na pinahintulutan ng Diyos na mamuno sa atin (Roma 13:1). Dahil sa likas na bawal ang mga ilegal na droga, hindi tayo sumusunod sa mga awtoridad at nagrereblede tayo sa kanila kung gagamit tayo ng mga ito. Nangangahulugan ba na pwede ng gumamit ng ilegal na droga kung gagawin itong legal? Hindi, dahil sasalungatin pa rin natin ang unang prinsipyo.

Sa pamamagitan ng paggamit ng mga prinsipyong matatagpuan natin sa Bibliya, malalaman ng mga Kristiyano ang tamang tuntunin ng moralidad sa bawat sitwasyon. Sa ilang mga kaso, ito ay simple, gaya ng pamantayan sa pamumuhay Kristiyano na matatagpuan natin sa Colosas 3. Gayunman, sa ibang mga pagkakataon kailangan nating maghukay ng kasagutan sa Bibliya. Ang pinakamagandang paraan ay ang manalangin na ipakita sa atin ng Diyos ang tamang desisyon sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Ang Banal na Espiritu ay nananahan sa bawat mananampalataya at bahagi ng Kanyang ministeryo sa atin ay ang turuan tayo kung paano mamumuhay sa mundo: "Datapuwa't ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi" (Juan 14:26). "At tungkol sa inyo, ang pagkapahid na sa kaniya'y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo'y turuan ng sinoman; nguni't kung paanong kayo'y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo'y tinuruan nito, ay gayon kayong nananahan sa kaniya" (1 Juan 2:27). Kaya, kung tayo ay mananalangin na maintindihan ang Kasulatan, gagabayan tayo at tuturuan ng Banal na Espiritu. Ipakikita Niya sa atin ang mga prinsipyo na dapat nating pangatawanan sa bawat sitwasyon na ating kinalalagyan.

Habang hindi inilalarawan sa Bibliya ang lahat ng sitwasyon na ating kinakaharap sa ating mga buhay ngayon, ito ay sapat na para makapamuhay tayo bilang mga Kristiyano. Makikita natin sa Bibliya ang mga tamang tuntunin sa moralidad na maaari nating maging batayan. Sa mga katanungan sa moralidad kung saan hindi malinaw na nagbibigay ng instruksyon ang Bibliya, kailangan nating tingnan ang mga prinsipyo na maaari nating ilapat sa bawat sitwasyon. Dapat tayong manalangin na maunawaan natin ang Kanyang Salita at buksan ng Diyos ang ating isip sa pagtuturo ng Banal na Espiritu. Ang Espiritu ang magtuturo at gagabay sa atin sa ating pangunawa sa Bibliya upang matagpuan natin ang mga prinsipyo na dapat nating panindigan upang makapamuhay tayo ng nararapat bilang mga tunay na Kristiyano dito sa mundo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang tuntunin ng moralidad ng mga kristiyano (Christian ethics)?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries