settings icon
share icon
Tanong

Ano ang progresibong pananaw sa paglikha at Biblikal ba ito?

Sagot


Ang progresibong pananaw sa paglikha (Progressive creationism) (tinatawag ding "process creation") ay ang paniniwala na nilikha ng Diyos ang mga langit at lupa sa loob ng bilyon-bilyong taon, hindi sa loob ng anim na literal na araw na may tig-24 oras na siyang basehan ng tradisyonal na pananaw patungkol sa paglikha. Maaaring maging liberal o konserbatibo ang mga Progressive creationists sa kanilang sistema ng teolohiya, ngunit nagkakasundo sila sa mga sumusunod na paniniwala sa pangkalahatan:

• Ang teorya ng "Big Bang" ay ang paran ng Diyos upang makalikha ng mga galaxies sa pamamagitan ng bilyon-bilyong taon ng natural na proseso.

• Bilyon-bilyong taon na ang tanda ng kalawakan at ng mundo, hindi lamang libo-libong taon.

• Ang mga araw kung kailan lumikha ang Diyos ay may agwat na bilyon-bilyong taon.

• May kamatayan at patayan na sa pasimula pa lamang ng paglikha at hindi ang mga ito resulta ng kasalanan ni Adan. Nilikha ang tao pagkatapos na maganap ang mahabang kasaysayan ng nakararaming buhay at may kamatayan na bago pa nagkasala si Adan.

• Ang baha noong panahon ni Noe ay sa isang lugar lamang at hindi pang buong mundo, at may kakaunti itong epekto sa geology ng mundo na nagpapakita ng bilyon-bilyong taon ng kasaysayan.

Ang progresibong kalagayan ng mga nilikha ay isang paniniwala na sumasalungat sa pananaw ng uri ng ebolusyon ng mga hindi naniniwala sa Diyos at sa pananaw na bata pa ang mundo. Hindi na bago ang mga katuruan ng progresibong paglikha, ngunit nitong mga nagdaang taon, inendorso ito sa publiko sa pamamagitan ng mga estasyon ng radyo ng mga Kristiyano, telebisyon, magazines at mga libro.

Sa aming pananaw, ang kamalian ng progressive creationism ay nagugat sa haka-haka na hindi dapat umanong unawain ang kwento ng paglikha sa aklat ng Genesis sa paraang literal. Ayon sa progressive creationism, ang mga "araw" sa Genesis 1 ay hindi literal na araw na may 24 na oras sa halip, ang mga ito sa aktwal ay mahabang yugto ng panahon na umaabot sa milyon o maging bilyon-bilyong taon. Tinatanggap ng mga progressive creationists ang pananaw ng ebolusyon patungkol sa edad ng mundo, na aming itinuturing na isang pagkakamali.

Ang isa pang hindi naming sinasang-ayunan sa teoryang ito ay ang pananaw na may kamatayan na bago pa ang pagbagsak ni Adan sa kasalanan na sumisira sa katuruan na ang pisikal na kamatayan ay isa sa mga resulta ng kasalanan (tingnan ang Roma 5:12 at 1 Corinto 15:21–22).

Sa ilang pagkakataon, ang progressive creationism ay isang pagtatangka ng ibang mga Kristiyano na pagkasunduin ang katuruan ng modernong siyensya at ng katuruan ng Bibliya. Gayunman, sinasangayunan ng teoryang ito ang modernong pananaw sa ebolusyon na iminumungkahi ng ilang mga naunang Kiistiyanong manunulat. Habang hindi kami sumasang-ayon sa teoryang ito ng progressive creationism, ito ang pananaw na pinaniniwalaan ng marami-raming proporsyon ng Kristiyanong komunidad.

Sa lahat ng mga nasabi sa itaas, ang tradisyonal na interpretasyon sa Genesis ay ang pananaw patungkol sa isang batang mundo hindi progresibo. Ito ay dahil ang pinakamalakas na ebidensya ng progresibong paglikha ay pangunahing nanggagaling sa larangan ng siyensya, hindi direktang nanggagaling sa Bibliya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang progresibong pananaw sa paglikha at Biblikal ba ito?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries