settings icon
share icon
Tanong

May awtoridad ba ang mga Kristiyano na utusan ang mga anghel?

Sagot


Nagiging interesado ang mga tao ngayon sa konsepto ng mga anghel at sa pagaaral sa mga anghel na tinatawag na Angelology. Inilalarawan ngayon ang mga anghel sa iba't ibang kaparaanan gaya sa alahas, dekorasyon tuwing pasko, sa pelikula hanggang sa mga programa sa telebisyon. Maraming Kristiyano rin ang naniniwala na mayroon silang kakayahan na utusan ang mga anghel at gawin ang kanilang kagustuhan, habang ang iba naman ay naniniwala na kaya nilang utusan ang mga anghel (maging ang mga demonyo) sa pangalan ni Hesus.

Walang pangyayari sa Kasulatan kung saan ipinakita na may kakayahan ang tao na utusan ang mga anghel gamit ang kanilang sariling pangalan o ang pangalan ni Hesus. Wala kahit isang talata sa Bibliya na nagpapakita na may awtoridad ang tao sa mga anghel. Alam natin na sila ay mga nilalang na may mataas na uri, dahil ginawa ni Hesus ang kanyang sarili na "mababa ng kaunti kay sa mga anghel" upang maisilang sa mundo at magdusa bilang isang tao (Hebreo 2:7-9; Awit 8:4).

Isang maling katuruan na may kapamahalaan ang mga mananampalataya sa mga anghel. Ang mga sumusunod na prinsipyo sa Bibliya ang nagpapakita na hindi sumusunod ang mga anghel sa utos ng tao:

Sinabi ni Moises ng dumaing ang mga Israelita sa Diyos, "dininig niya ang aming tinig, at nagsugo siya ng isang anghel, at inilabas kami sa Egipto: at, narito, kami ay nasa Cades, na isang bayan na nasa dulo ng iyong hangganan" (Bilang 20:16). Hindi inutusan ng mga Israelita ang anghel na tulungan sila. Sa Diyos sila humingi ng tulong na Siyang may kapangyarihan na magutos sa mga anghel upang ganapin ang Kanyang kalooban.

Tumanggi sina Sadrac, Mesac, at Abednego na sumamba sa imahen ni Haring Nabucodonosor (Daniel 3:17-18). Ang Diyos, sa Kanyang kahabagan ay "nagsugo ng anghel upang iligtas ang mga lingkod niyang ito!" (Daniel 3:28). Hindi humingi ng tulong ang tatlong Hebreong ito sa Anghel ng Panginoon. Ang Diyos ang nagpadala sa kanila ng anghel. Kalaunan, ipinadala din ng Diyos ang ‘Kanyang anghel’ upang iligtas si Daniel mula sa kulungan ng mga leon (Daniel 6:22).

Nanalangin ang Iglesya sa Jerusalem para sa kalayaan ni Pedro habang nakakulong ito (Gawa 12:5). Nang makalaya si Pedro, kanyang pinatotohanan, "Ngayon ko natiyak na totoo palang lahat! Sinugo ng Panginoon ang kanyang anghel at iniligtas ako sa kamay ni Herodes at sa inaasahan ng mga Judio na mangyayari sa akin" (Gawa 12:11). Lubos na nasorpresa ang mga Kristiyanong nananalangin para kay Pedro ng kumatok siya sa pintuan na halos hindi nila siya pinagbuksan. Tiyak na hindi nila inutusan ang sinumang anghel upang iligtas si Pedro.

Ang mga anghel ay tinatawag ng Diyos na mga ‘banal na anghel,’ na gumaganap ng Kanyang kalooban hindi ng sa atin (Mateo 25:31; Pahayag 14:10).

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

May awtoridad ba ang mga Kristiyano na utusan ang mga anghel?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries