settings icon
share icon
Tanong

Ano ang ibig sabihin ng walang bahid dungis na sex (Hebreo 13:4)?

Sagot

Ang kabanata 13 ay ang pangwakas na kabanata ng aklat ng Hebreo at nagtatapos ito sa huling paalala para sa mga Kristiyano. Sinasabi sa talata 4, "Dapat ituring na marangal ng lahat ang pag-aasawa at maging tapat kayo sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya." Ang salitang Griego na isinalin sa salitang "marangal" ay ginamit lamang ng eksaktong apat na beses sa Bagong Tipan at nangangahulugan ito ng "walang bahid dungis" o "itinalaga." Ginamit ang salitang ito sa Hebreo 7:26 upang ilarawan si Jesu Cristo, ang ating pinakapunong saserdote. Sinasabi rin sa Santiago 1:27 na ang relihiyong "walang bahid dungis" ay tumutulong sa mga balo at ulila na nananatiling walang bahid sa mundo.

Dapat panatilihing malinis at hindi nilalapastangan ang higaan ng magasawa. Sa ibang salita, ang sekswal na relasyon na ibinabahagi ng mag-asawa ay dapat lamang na nakalaan sa kanilang dalawa. Nilikha ng Diyos ang pagiisang sekswal para sa mag-asawa. Wala ng iba. Wala nang iba pang paggamit ng sekswalidad ang pinahintulot sa Kasulatan. Ang pag-abuso o maling paggamit sa biyayang kaloob ng Diyos sa pakikipagtalik ay paglapastangan sa higaan ng magasawa.

Maaaring madungisan ang sekswal na gawain sa ilang mga paraan:

1. Pakikiapid. Ito’y nangyayari kapag ang dalawang taong hindi kasal ay nagtatalik. Isa itong paglabag sa biyayang kaloob ng Diyos sa atin. Ang mga taong hindi nagsumpaan sa isa’t isa ng pagsasama habambuhay ay walang karapatan na samantalahin ang sumpaan na kaloob Niya sa atin. Dinisenyo ang pakikipagtalik upang ialay sa magkasintahan na nangako sa isa’t-isa sa pamamagitan ng banal na kasunduan. Lahat ng uri ng sekswalidad na hindi kaugnay sa kasal ay nagdadala ng kahihiyan at paglapastangan sa kahalagahan ng kasal (1 Corinto 6:18).

2. Pangangalunya. Kapag ang parehong partido ay may asawa na, sa mata ng Diyos ,ang kanilang pagtatalik ay itinuturing na pangangalunya. Kamatayan ang parusa sa pangangalunya. Ito’y nakapaloob sa Lumang Tipan ng Diyos sa Israel (Deuteronomio 22:22; Levitico 20:10). Bagama’t hindi na tayo nabubuhay sa ilalim ng Lumang Tipan, ang pangangalunya ay nananatili pa ring mataas na antas ng kasalanan sa Diyos (Mateo 5:28, 32) sapagkat ito ay nasa listahan ng mga kasalanan na nagpapahamak sa taong hindi nagsisisi na kailanman ay hindi makakamit ang kaharian ng Diyos (1 Corinto 6:9; 1 Timoteo 1:9-10; Judas 1:7).

3. Homosekswalidad. Ang isa pang pagdungis sa sekwalidad ay ang kabuktutan ng pakikipagtalik ng mga lalake sa kapwa lalake o babae sa kapwa babae. Sa kabila ng kasalukuyang pagtanggap ng mundo sa homosekswal na gawain, ang ganitong karumal-dumal na gawain ay hindi kailanman pinahintulutan o pinagpapala ng Diyos. Ang homosekswalidad ay isang pagbaluktot sa kaloob ng Diyos sa pisikal na pagiisa sa pagitan ng mag-asawa at ito lamang ang sekswal na gawain na tinatawag na karumaldumal (Levitico 20:13). Ang pagbabawal laban sa homosekswalidad ay nagpapatuloy sa Bagong Tipan, dahil ito ay kasama sa mga kasalanang nag-aalis ng karapatan sa mga hindi nagsisisi na makapasok sa kaharian ng Diyos (1 Corinto 6:9; 1 Timoteo 1:9–10; Judas 1:7).

4. Prostitusyon. Ang Kawikaan 7 ay nagbibigay ng detalyadong pagtingin sa pagkasira ng buhay na dumarating sa isang kabataang lalake na nagpapadala sa pang-aakit ng isang babaeng bayaran. Ang kasalanan ng prostitusyon ay madalas na ginagamit bilang metaphor para sa mga hindi tapat na Israelita (Oseas 4:15; Jeremias 3:8; Hukom 8:33). Binabalaan ang mga Kristiyano na iwasan ang ganitong imoralidad dahil sa kabanalan ng pagaasawa (1 Corinto 6:15–16; Efeso 5:3).

5. Pornograpiya. Ang paggamit ng pornograpiya para sa sekswal na kasiyahan ay isang mas modernong paraan ng pagdungis sa pagsasama. Ang mga malalaswang libro, video, sexting, at paggamit ng iba pang materyal na may sekswal na nilalaman ay dinudungisan din ang kabanalan ng sekswal na relasyon sa pagitan ng mag-asawa. Ang pornograpiya ay nagdudulot ng pagdadala ng ibang tao sa kwarto, kahit na sa pamamagitan lamang ng mata. Binalaan ni Jesus na ang pagtingin ng mahalay sa isang babae ay katumbas ng pangangalunya sa harap ng Diyos (Mateo 5:28). Ang pornograpiya ay pagnanasa sa isang anyo ng sining, ngunit ito ay nananatiling nagpaparumi sa puso at isang pagdungis sa gawaing sekswal.

Nilikha ng Diyos ang mga tao upang maging malinis sa pisikal at espiritu. Ang pagtatalik sa pagitan ng mag-asawa ay bahagi ng kalinisang iyon (Genesis 2:24–25). Nang magkasala sina Adan at Eba, nadungisan ang sekswalidad at marami pang iba. Tinubos tayo ni Jesus upang mapawi ang ating mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa Krus (2 Corinto 5:21). Walang kasalanan, kabilang ang sekswal na imoralidad ang hindi kayang tubusin ng kamatayang iyon at ng Kanyang muling pagkabuhay. Kahit na nadungisan natin ang pag-aasawa sa maraming paraan, maibabalik ng Diyos ang sekswal na kalinisan at kabanalan kung magsisisi tayo at isusuko ang ating buhay sa pagsunod sa Kanya (Awit 51:7; 1 Juan 1:7).

English

Bumalik sa Tagalog Home Page

Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries