settings icon
share icon
Tanong

Paanong ang walang hanggang pagdurusa sa impiyerno ay isang makatarungang kaparusahan para sa isang buhay na pamumuhay sa kasalanan ng isang tao?

Sagot


Sinsabi sa Bibliya na walang hanggan ang impiyerno (Mateo 25:46). Maraming tao ang nahihirapang tanggapin ang katarungan sa konseptong ito. Ang tanong paanong magiging makatarungan ang Diyos na parusahan ang isang tao ng walang hanggan dahil sa 70, 80, 90, o maging isang daang taon ng pagkakasala? Paanong ang isang buhay ng tao na may hangganan ay karapatdapay sa isang walang hanggang pagdurusa?

May dalawang biblical na prinsipyo na malinaw na nagdedeklata na ang walang hanggang pagdurusa sa impiyerno ay makatraunga parusa para sa kasalanan, gaano man kaiksi o kahaba ang buhay ng tao sa lupa.

Una, idiniklara sa Bibliya na ang lahat ng kasalanan ay paglaban sa Diyos (Awit 51:4). Ang haba ng parusa ay nakadepende sa isang banda, sa pinagkasalahan. Sa korte ng tao, ang pananakit na pisikal laban sa isang indibidwal ay kadalasang nagreresulta sa multa at posibleng ilang panahon sa bilangguan. Bilang paghahambing, ang pisikal na pananakit laban sa isang president o isang punong ministro ng isang bansa ay magreresulta sa habambuhay na pagkabilanggo. At ito ang kaso sa kabila ng katotohanan na ang krimen ay minsan lamang ginawa, hindi paulit-ulit at nagpapatuloy na aksyon. Tiyak na mas mataas at higit na dakila ang Diyos kaysa kaninumang tao. Gaano pa kaya ang parusa kung ang ating kasalanan ay laban sa isang walang hanggang Diyos (Roma 6:23)?

Ikalawam ang ideya na tumitigil tayo sa pagkakasla pagkatapos gn kamatayan ay hindi itinuturo sa Bibliya. Ang mga taong pumupunta bas a impiyerno ay biglang nagiging walang kasalana at perpekto? Hindi. Ang gma pumumpunta sa impyerno ng walang Kristo sa kanilang buhay ay magpapatuloy sa pagkakasala. Ang mga namatay na matitigas ang puso ay manantiling matigas ang puso sa walang hanggan. Magkakaroon ng "pagtangis at pagngangalit ng mga ngipin" sa impiyerno (Mateo 25:30), ngunti wala na doong pagsisisi. Ang mga makasalanan sa impiyerno ay ipapaubaya ng Diyos sa kanilang makasalanang kalikasan; sila ay mananatiling makasalanan, masama, immoral at walang kaligatasa sa buong walang hanggan, hindi kailanman matutubos at hindi na isisilang na muli. Ang dagat-dagatang apoy ay isang luagr ng walang hanggang rebelyon laban sa Diyos — kahit na nahukumna na ang rebelyong iyon (Pahayag 20:14–15; cf. Pahayag 16:9, 11). Ang mga hindi ligtas ay hindi lamang magkakasala ng 70, 80, 90, o 100 taon. Magkakasala sila magpawalang hanggan.

Ang katotohanan ay kung nais ng tao na mahiwalay sa Diyos ng walang hanggang, ipagkakaloob nsa Kanya gn diyos ang naising iyon. Ang mga mananampalataya ay yaon lamang mga nagsasabi sa Diyos, "Ang kalooban mo ang masunod sa aking buhay." Ang mga hindi mananampalataya ay yaong sinasabihan ng Diyos na "ang kalooban ninyo ang masusunod." Ang kagustuhan ng mga mapapahamak ay tanggihan ang kaligtasan sa pamamagitan ni Hesu Kristo at manatili sa kasalanan at pahihintulutan ng Diyos ang desisyong ito at ang mga konsekwensya nito, para sa walang hanggan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paanong ang walang hanggang pagdurusa sa impiyerno ay isang makatarungang kaparusahan para sa isang buhay na pamumuhay sa kasalanan ng isang tao?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries