Tanong
Ano ang ibig sabihin ng walang huimpay na panalangin?
Sagot
Ang utos ni Pablo sa 1 Tesalonica 5:17 na "manalangin ng walang humpay," ay maaaring nakalilito. Hindi ito siyempre nangangahulugan na lagi tayong nakatungo at nakapikit ang mata sa buong maghapon. Hindi sinasabi ni Pablo na kailangan nating magsalita ng walang tigil, kundi dapat na maging laman ng ating isipan ang Diyos sa tuwina at isinusuko sa Kanya ang lahat ng ating mga kabigatan sa lahat ng oras. Dapat nating palagiang damhin ang presensya ng Diyos sa ating bawat paggising at isaisip na aktibo Siyang gumagawa at kasama natin sa lahat ng ating mga iniisip at ginagawa.
Kung magumpisa tayong mangamba, mawalan ng pag-asa at magalit, dapat na agad agad nating dadalhin ang lahat ng mga kaisipang ito sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin na may pasasalamat. Sa kanyang sulat sa mga taga Filipos, iniutos ni Apostol Pablo na tumigil sila sa pagaalala at sa halip, "ay hingin sa Diyos ang lahat ng kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat" (Filipos 4:6). Tinuruan niya ang mga mananampalataya sa Colosas na ilaan ang sarili at "manatili lagi sa pananalangin, na nangagpupuyat na may pagpapasalamat" (Colosas 4:2). Pinayuhan ni Pablo ang mga mananampalataya sa Efeso na ituring ang panalangin na isang sandata para sa pakikibakang espirtiwal (Efeso 6:8). Habang dumadaan sa atin ang maghapon, ang panalangin ang dapat na una sa ating listahan bilang panlaban sa lahat ng nakatatakot na sitwasyon, sa bawat pagaalala at bawat gawain na iniuutos sa atin ng Diyos. Ang kawalan ng panalangin ang magtutulak sa atin na magtiwala sa ating sarili sa halip na umasa sa biyaya ng Diyos. Ang walang humpay na panalangin sa esensya, ay ang patuloy na pagdepende sa Diyos at pakikipagisa sa Ama.
Para sa mga Kristiyano, ang panalangin ay dapat na gaya sa paghinga. Hindi mo iniisip ang paghinga dahil ang presyon ng hangin sa labas ang nagtutulak sa ating baga upang huminga. Ito ang dahilan kaya mas mahirap na gawin ang paghinga kaysa sa huminga. Gayundin naman, ng isilang tayo sa pamilya ng Diyos, Pumasok tayo sa isang espiritwal na kalagayan kung saan naroroon ang presensya at grasya ng Diyos na siyang nagbabago sa ating mga buhay. Ang panalangin ay ang normal na tugon ng Kristiyano sa presyon ng grasya at biyaya ng diyos. Bilang mga mananampalataya, pumasok tayo sa isang makadiyos na kalagayan upang huminga ng hangin ng panalangin.
Sa kasamaang palad, maraming mga Kristiyano ang pinipigil ang kanilang "espirtiwal ng paghinga" sa matagal na panhon, at iniisip na ang mga maiksing sandali na kapiling ang Diyos ay sapat na upang sila ay mabuhay. Ngunit ang pagpipigil sa ating espiritwal na paghinga ay nagreresulta sa mga makasalanang kagustuhan. Ang totoo, upang ma maging kagamit-gamit, ang bawat mananampalataya ay nararapat na mamalagi sa presensya ng Diyos, at patuloy na humihinga sa espiritu sa pamamagitan ng pananalangin.
Mas madali para sa mga Kristiyano na magpanggap na maayos ang lahat - sa halip na magtiwala sa biyaya ng Diyos. Napakaraming mananampalataya ang nasisiyahan na sa mga pisikal na pagpapala at kokonti lamang ang nagnanasa para sa mga espiritwal na pagpapala. Kung ang mga programa, metodolohiya at salapi ay nakakapagdulot ng magandang pakiramdam, nalilito ang ilang Kristiyano sa kung ano ang pagkakaiba sa pagitan ng tagumpay sa mundo at pagpapala ng Diyos. Kung mangyari ito, ang taimtim na pakikisama sa Diyos at pagsamo sa Kanyang tulong ay mawawala. Ang patuloy, mapilit at walang humpay na panalangin ay isang napakahalagang sangkap sa pamumuhay Kristiyano at nagmumula sa isang taong napagpakumbaba at nagtitiwala sa Diyos.
English
Ano ang ibig sabihin ng walang huimpay na panalangin?