settings icon
share icon
Tanong

Ano ang gagawin ng isang Kristiyano kung nakatira siya sa isang lugar na walang iglesya o sambahan na dadaluhan at walang ibang Kristiyano na maaaring makasama?

Sagot


Maraming mga lugar sa mundo kung saan ipinagbabawal ang pagsamba. Sa ibang mga bansa, ipinagbabawal ang Kristiyanong pagsamba sa anumang paraan at may ibang mga bansa kung saan hinuhuli at pinapatay ang mga Kristiyano dahilan lamang sa simpleng pagpapahayag at pagsasanay ng kanilang pananampalataya. Ang mga Kristiyanong nakatira sa mga lugar na ito ay nararapat na gumawa ng paraan upang matiyak na patuloy silang lalago sa kanilang pananampalataya habang nasa isang lugar na ipinagbabawal ang pagsamba o isang bansa na lumalaban sa Diyos.

Para sa mga Kristiyano na nasa mga bansa na pinapayagan ang mga tao na magkaroon ng Bibliya o mga aklat na makatutulong sa pagaaral ng Bibliya, ang masigasig at araw-araw na pagaaral ng Salita ng Diyos ay napakahalaga lalo na kung hindi posible ang pakikisama sa ibang mananampalataya. Mahalagang maglaan ng panahon araw-araw sa personal na pagaaral ng Salita ng Diyos at pananalangin. Para sa mga mananampalataya na nasa mga bansa na ipinagbabawal ang pagkakaroon ng Bibliya, makatutulong ang internet. Napakaraming mga websites ang may links sa Bibliya. Mayroon ding grupo ng mga Kristiyano na naguusap at nagpapalakasan sa isa’t isa sa mga chat groups. May mga programa din sa radyo ngayon sa karamihan ng mga bansa sa mundo na maaari na ring mapakinggan sa internet.

Ang paghahanap ng kapwa mananampalataya sa isang bansa na nagbabawal sa sama samang pagsamba ay maaaring maging pasimula ng isang “underground” na pagsasama sama sa bahay-bahay upang manalangin at magaral ng salita ng Diyos. Ang mga grupo ng Kristiyano na nagsasama sama sa bahay-bahay ay nagiging daan sa pagkakaroon ng malagong komunidad ng mga Kristiyano na humaharap sa mga paguusig. Ang mga nagsimula ng gawain sa bahay-bahay sa Gitnang Silangan ay nagkaroon ng pagkakataon na katagpuin ang pagkauhaw sa Salita ng Diyos ng mga taong nagsasalita sa wikang ingles sa kanilang lugar. Ang mga tapat na mananampalatayang ito ay nagpapalipat-lipat ng lugar kada Linggo at nagiimbita ng palihim sa mga taong bukas sa pagaaral ng Salita ng Diyos at lumagong mainam ang kanilang pananampalataya sa kabila ng mahihirap at delikadong sitwasyon.

Walang makapaghihiwalay sa isang anak ng Diyos sa Kanyang pag-ibig kay Kristo (Roma 8:38-39). Kahit na nakahiwalay ang isang Kristiyano sa kanyang mga kapwa Kristiyano, maaari siyang magkaroon ng malapit na kaugnayan sa Diyos at patuloy siyang bibigyan ng kalakasan ng Panginoon. Binigyan tayong mga mananampalataya ng mga kaloob na nananahan sa atin (Efeso 1:13-14) at ang Mangaaliw ang magpapalakas ng ating loob satuwina sa gitna ng mahihirap na sitwasyon. Puno ang kasaysayan ng Kristiyanismo ng mga kuwento ng mga mananampalataya na nanatiling matatag ang pananampalataya sa gitna ng matitinding paguusig at pagkahiwalay sa ibang mananampalataya. Hindi maaaring tawaran ang kapangyarihan ng Banal na Espriitu na nananahan sa mga mananampalataya.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang gagawin ng isang Kristiyano kung nakatira siya sa isang lugar na walang iglesya o sambahan na dadaluhan at walang ibang Kristiyano na maaaring makasama?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries