settings icon
share icon
Tanong

Paano haharapin ng isang Kristiyano ang isyu ng pagiging baog o kawalan ng kakayahang magkaanak?

Sagot


Ang pagiging baog o kawalan ng kakayahang magkaanak ay maaring maging napakahirap, lalo na sa magasawa na umaasa na magkakaroon sila ng anak sa kanilang buong buhay. Maaaring magtanong ang magasawang dumadaan sa ganitong problema sa Diyos, "Bakit kami pa Panginoon?" Nais ng Diyos na pagpalain ang mga Kristiyano ng mga anak na kanilang aalagaan at mamahalin. Sa mga magasawa na malusog ang pangangatawan, ang pinakamahirap at nakadudurog ng pusong ay ang kawalan ng katiyakan kung ang kanilang kawalan ng kakayahang magkaanak ay panandalian o permanente. Kung ito ay panandalian, gaano sila katagal maghihintay? Kung ito ay permanente, paano nila malalaman, at ano ang kanilang gagawin?

Inilalarawan ng Bibliya ang problema ng pansamantalang pagkabaog sa mga sumusunod na kwento:

Ipinangako ng Diyos kina Abraham at Sara na sila ay magkakaanak, ngunit hindi dumating si Isaac hanggat si Sara ay hindi humantoing sa edad na 90 (Genesis 11:30).

Nanalangin ng maningas si Rebekah, asawa ni Isaac na bigyan sila ng anak, at tinugon sila ng Diyos at ipinanganak ni Rebecca si Jacob at Esau (Genesis 25:11).

Nanalangin si Racquel, at sa wakas pagkatapos ng mahabang panahon, "binuksan ng Diyos ang kanyang bahay-bata." Nanganak siya ng dawalang lalaki, si Jose at Benjamin (Genesis 30:1; 35:18).

Ang asawa ni Manoa ay baog sa loob ng ilang panahon, ngunit ipinanganak niya si Samson (Mga Hukom 13:2).

Si Elizabeth sa kanyang katandaan ay nagsilang kay Juan Bautista, ang tagapaghanda ng daraanan ni Kristo (Lukas 1:7; 36).

Ang pagiging baog nina Sarah, Rebekah at Racquel (Ang mga ina ng bansang Israel) ay mahalaga dahil ang pagbibigay sa kanila ng anak sa kabila ng kanilang kawalan ng kakayahang magkaanak ay simbolo ng biyaya at pagpapala ng Diyos. Gayunman, ang mga baog na magasawa ay hindi dapat magisip na hindi sila pinagkalooban ng biyaya at pagpapala ng Diyos o kaya nama'y magisip na pinarurusahan sila ng Diyos. Ang magasawang Kristiyano ay nararapat manghawak sa katotohanan na ang kanilang mga kasalanan ay pinatawad na kay Kristo at ang kawalan nila ng kakayahang magkaanak ay hindi isang parusa mula sa Diyos.

Kaya ano ang dapat gawin ng magasawang baog? Mahalagang humingi ng payo sa isang espesyalista. Ang lalaki at babae ay nararapat na magkaroon ng malusog na pamamaraan ng pamumuhay bilang paghahanda sa pagbubuntis. Ang mga ina ng bansang Israel ay mataimtim na nanalangin para sila bigyan ng anak kaya ang patuloy na pananalangin ay isang bagay na nararapat gawin. Ang unang bagay na dapat gawin at ipanalangin ay kung ano ang kalooban ng Diyos para sa ating buhay. Kung kalooban ng Diyos na magkaroon tayo ng anak, bibigyan Niya tayo. Kung ang Kanyang kalooban ay magampon o magpalaki ng anak ng iba o manatiling walang anak, dapat nating tanggapin at italaga ang ating buhay sa pagtanggap ng Kanyang kalooban. Alam natin na may magandang plano ang Diyos sa bawat mahal natin sa buhay. Ang Diyos ang may akda ng buhay. Siya ang nagpapahintulot na magkaanak o hindi magkaanak ang isang tao. Lubos ang kapamahalaan ng Diyos at nagtataglay Siya ng lahat ng karunungan (tingnan ang Roma 11:33-36). "Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas.." (Santiago 1:17). Ang pagkaalam at pagtanggap sa mga katotohanang ito ay siyang lulunas sa sakit ng damdamin ng mga magasawang walang kakayahang magkaroon ng sariling mga supling.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano haharapin ng isang Kristiyano ang isyu ng pagiging baog o kawalan ng kakayahang magkaanak?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries