settings icon
share icon
Tanong

Ano ang kahalagahan ng tinapay na walang lebadura o pampaalsa?

Sagot


Sinasabi sa atin ng Bibliya na kailangang kumain ang mga Israelita ng tinapay na walng lebadura o pampaalsa taon-taon sa araw ng Paskuwa bilang paggunita sa kanilang paglaya mula sa pagkaalipin sa Ehipto. Dahil nagmamadaling umalis ang mga Israelita, wala na silang panahon para magpaalsa ng tinapay, kaya ang kanilang tinapay noong unang paskuwa ay walang pampaalsa o yeast (sa Ingles). Sa paglalarawan sa tinapay na ito at kung bakit ito kinakain, sinasabi sa atin ng Bibliya: "Sa pagkain ninyo ng handog na ito, huwag ninyong sasamahan ng tinapay na may pampaalsa; sa loob ng pitong araw, ang kakainin ninyo ay tinapay na walang pampaalsa, ang tinapay ng pagtitiis. Gagawin ninyo ito bilang pag-alala sa inyong pag-alis sa Egipto" (Deuteronomio 16:3). Makikita ang mga karagdagang utos tungkol sa pagkain ng tinapay na walang pampaalsa sa Exodo 12:8; 29:2; at Bilang 9:11. Sa panahong ito, sa mga tahahan ng mga Hudyo, kasama sa pagdiriwang nila ng Paskuwa ang tinapay na walang pampaalsa.

Ayon sa diksyunaryong Hebreo, ang salitang "tinapay na walang lebadura" ay nanggaling sa salitang matzoh, na nangangahulugang "tinapay o keky na walang pampaalsa." Sinasabi din sa Lexicon na ang salitang matzoh ay kinuha sa isang salita na nangangahulugang "patuyuin o sipsipn." Sa pagtukoy sa ikalawang salitang Hebreo, sinasabi ng diskyunaryo, "ganid na pagkagutom para sa tamis." Kaya posible na ang tinapay na walang lebadura, habang mabigat at malapad, ay maaari ding matamis sa panlasa."

Sa Bibliya, ang pampaalsa ay halos laging simbolo para sa kasalanan. Gaya ng pampaalsa na nanunuot sa buong masa ng harina, ang kasalanan ay kumakalat sa tao, sa isang iglesya o sa isang bansa at sa huli ay hindi napipigilan at aalipinin ang mga tao hanggang kamatayan (Galacia 5:9). Sinasabi sa atin sa Roma 6:23 na ang "kabayaran ng kasalanan ay kamatayan," na siyang hatol ng Diyos sa kasalanan, at ito ang dahilan kung bakit namatay si Cristo—para makatakas ang tao sa hatol na ito para sa kasalanan kung ang tao ay magsisisi, tatanggapin si Cristo bilang Kanyang handog na pampaskuwa, at mababago ang kanyang puso upang makapamuhay ng isang buhay na ayon sa kalooban ng Diyos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang kahalagahan ng tinapay na walang lebadura o pampaalsa?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries