Tanong
Ano ang Zionism / Kristiyanong Zionism?
Sagot
Ang Zionism ay isang simpleng kilusang pulitikal noong una itong itatag, na naging mas tulad sa isang ideolohiya. Ang Zionism ay isang internasyonal na kilusan para sa pagbabalik ng mga Hudyo, ang mga hinirang ng Zion sa lupain ng Israel, habang sinasanay ang karapatan na panatilihin ang awtoridad ng pamamahala sa estado ng Israel na ipinangako sa kanila ng Diyos sa Kasulatang Hebreo. Ang ugat ng Zionism ay ang Genesis kabanata 12 at 15, kung saan gumawa ng tipan ang Diyos kay Abraham at ipinangako sa kanya na mamanahin nila ang lupain sa pagitan ng Egipto at ng ilog Eufrates.
Dahil ang Zionism ay nagumpisa bilang isang kilusang pulitikal, may isang kaisapan na namamayani sa mga sekular na Hentil at mga hindi relihiyosong Hudyo na walang kinalaman ang relihiyon ng mga Hudyo sa Zionism. Pinagtatalunan kung ang Zionism ba ay isang reaksyon ng mga Hudyo sa pandaigdigang paguusig sa kanila noong Una at Ikalawang digmaang pandaigdig. Walang bansa ang nagnais na umampon sa kanila noon kaya’t napwersa silang gumawa ng kanilang sariling bansa, sa lupain ng kanilang mga ninuno na siyang perpektong lugar para sa kanila.
Nagkaroon ng katuparan ang simulain ng Kilusang Zionism na nagumpisa noong huling bahagi ng 1890, noong 1948 ng opisyal na kinilala ang estado ng Israel at pinagkalooban sila ng kapamahalaan ng Nagkakaisang Bansa bilang isang bansa sa lugar ng Palestina. Ito ang panahon kung kailan nagtapos ang Zionism bilang isang kilusang pampulitika at nagumpisa naman bilang isang ideolohiya. Dahil dito, naging paksa ito ng mga debate. May mga nagsasabi na ang Zionism ay naging motibo para sa rasismo o reaksyon laban sa paglaban sa mga Israelita. Naniniwala naman ang iba na ang kasalukuyang Zionism ay ang pagiging makabayan ng mga Hudyo.
May kaugnayan sa Zionism ng mga Hudyo ang Kristiyanong Zionism. Ang Kristiyanong Zionism ay isang simpleng pagpapakita ng suporta ng mga Hentil sa Zionism ng mga Hudyo at nakabase sa mga pangako ng Diyos sa Israel na matatagpuan sa Bibliya gaya ng Jeremias 32 at Ezekiel 34. Ang mga Kristiyanong Zionists ay mga Ebangheliko sa pangkalahatan at sumusuporta sa Estado ng Israel sa lahat ng posibleng paraan. Ang pagbabalik ng mga Hudyo sa lupang pangako ay ang katuparan ng hula at tinitingnan ng mga dispensationalists bilang isang tanda ng pagpasok ng mundo sa mga huling araw.
English
Ano ang Zionism / Kristiyanong Zionism?