Tanong
Ano ang daan tungo sa Kaligtasan?
Sagot
Si Hesu Kristo ang tanging “daan” tungo sa kaligtasan! “Sapagka't sa biyaya kayo'y nangaligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ito'y hindi sa inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri” (Efeso 2.8-9). “..datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin” (Roma 6.23).
Ano ang pinagdadaanan mo ngayon sa buhay? Ikaw ba ay dumadaan sa pagkakasala, kalituhan, kaguluhan, kahirapan, kalungkutan, sakit, kapaguran, galit at kawalan ng pag-ibig o kawalang kabuluhan? Sadyang mahirap ang buhay! Si Satanas at ang kasalanan ang dahilan! Napapagod ka na ba sa pakikipag-laban sa tao at sa iyong mga problema? Si Hesus ang daan! Iniibig ka Niya! Si Hesus ang tanging tao at Panginoon na nararapat sundin! Muli ngang nagsalita sa kanila si Hesus, na sinasabi, “Ako ang ilaw ng sanlibutan; ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan” (Juan 8.12).
Sinabi sa kanya ni Hesus, “Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay: sinoman ay di makaparoroon sa Ama, kundi sa pamamagitan ko” (Juan 14.6). “Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos” (Roma 3.23). “Sapagka't ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; datapuwa't ang kaloob na walang bayad ng Diyos ay buhay na walang hanggan kay Cristo Hesus na Panginoon natin” (Roma 6.23). Namatay si Hesus sa krus dahil sa parusang tayo ang dapat dumanas. Ang pagkamatay ni Hesus ang naging daan para sa kapatawaran ng lahat ng tao” (1 Juan 2.2; 2 Corinto 5.21). Ginapi nya ang kasalanan at kamatayan pagkatapos na mamatay sa krus at Siya'y muling nabuhay (1Corinto 15:1-28). “Na ipinahayag na Anak ng Diyos na may kapangyarihan ayon sa espiritu ng kabanalan, sa pamamagitan ng pagkabuhay na magmuli ng mga patay, sa makatuwid baga'y si Hesu Kristo na Panginoon natin” (Roma 4.1).
Nais mo bang magkaroon o makaranas ng higit pang kapayapaan, kagalakan, kaligayahan, pag-ibig, kapanatagan at katagumpayan? Iniaalok ni Hesus ang isang relasyon na magbibigay sa iyo ng lahat ng ito! Tanging sa pamamagitan lamang ni Hesus makararanas ang tao ng kapatawaran, pagmamahal, kapayapaan at kagalakan na nagmumula sa Panginoon (Juan 14.6; Gawa 4.12). Ang personal na relasyon sa Anak ng Diyos ang magbibigay sa iyo ng kaligtasan at buhay na walang hanggan. Ang buhay na na kay Hesus ang tamang buhay para sa iyo! Kailangan mo Siyang tanggapin upang ika'y maging anak ng Diyos. Kailangan mo ang buong pananampalataya at pagtitiwala sa Kanya (Mateo 22.37,39). Subalit hindi lahat ay maliligtas, tanging ang mga nagmamahal lamang kay Hesus ang maliligtas at mapupunta sa langit pagkatapos na sila ay mamatay. Ang ating kaligtasan ay pwedeng matiyak dahil sa kanyang ginawa para sa atin at sa patuloy nyang ginagawa sa pamamagitan ng Espiritu Santo.”Sapagka't gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanlibutan, na ibinigay niya ang kanyang bugtong na Anak, upang ang sinomang sa kaniya'y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan” (Juan 3.16).
Kung nais mong ilagak ang iyong pananampalataya kay Hesu Kristo bilang iyong Panginoon at Tagapagligtas at tumanggap ng buhay na walang hanggan mula sa Diyos, narito ang isang panalangin na maaari mong pagbatayan. Ang panalanging ito ay isang paraan upang ipahayag sa Diyos Ama ang iyong pananampalataya sa Kanyang Anak at pasalamatan siya sa regalo Niyang kapatawaran at buhay na walang hanggan. Tandaan mo na walang panalangin ang makapagliligtas sa iyo kundi ang Diyos lamang sa pamamagitan ng Kanyang Banal na Espiritu. “Ama sa kalangitan, naniniwala ako sa inyong Anak na si Hesu Kristo, na Siya ang tanging daan upang magkaroon ako ng buhay na walang hanggan. Inaamin kong nagkasala ako laban sa Iyo at nararapat lamang na ako'y Iyong parusahan. Nagsisisi ako sa lahat ng aking mga nagawang kasalanan laban sa Iyo. Nalaman ko at nagpapasalamat ako kay Hesus na aking Tagapagligtas sa pag-ako ng parusang nararapat para sa akin. Dahil kay Hesus binabago ko ang aking pag-iisip tungkol sa paggawa ng kasalanan at hinihiling ko ang iyong tulong upang mapaglabanan ang pagnanasang magkasala muli. Salamat sa iyong kahanga-hangang pangako na buhay na walang hanggan. Tatalikdan ko ang aking mga kasalanan at maglilingkod kay Hesus at magtitiwalang Siya ang babago sa aking pagkatao at magliligtas sa kapahamakan. Sa pangalan ni Hesus, Amen.
Dahil sa iyong mga nabasa, ikaw ba ay nagsisisi na sa iyong mga kasalanan at nagdesisyon na ilagak ang iyong pananampalataya kay Kristo? Kung Oo, i-klik ang “Tinanggap ko si Kristo ngayon” sa kahon sa ibaba.
English
Ano ang daan tungo sa Kaligtasan?