settings icon
share icon
Tanong

Ang mga alagang hayop ba ay mapupunta sa Langit? Mayroon bang kaluluwa ang mga alagang hayop?

Sagot


Walang malinaw na pagtuturo ang Bibliya tungkol sa pagkakaroon ng kaluluwa ng mga alagang hayop o kung mapupunta ba sila sa langit. Gayunman, may pangkalahatang prinsipyo sa Bibliya na puwede nating pagbasehan ng kasagutan sa tanong na ito. Sinasabi sa Bibliya na ang tao (Genesis 2:7) at hayop (Genesis 1:30; 6:17; 7:15, 22) ay mayroong hininga ng buhay. Ang pangunahing pagkakaiba ng tao sa hayop ay nilalang ang tao ayon sa wangis ng Diyos (Genesis 1:26-27). Ang hayop naman ay hindi nilalang ayon sa wangis ng Diyos. Dahil ang tao ay nilalang ng Diyos na naaayon sa Kanyang wangis, nangangahulugan na ang tao ay may kakayahang makipagrelasyon sa Diyos, may kakayahang mag-isip, may damdamin at kalooban at may sangkap na magpapatuloy pagkatapos ng kamatayan. Kung ang mga hayop ay mayroon mang “kaluluwa,” ito'y naiiba at mas mababa ang katangian kumpara sa kaluluwa ng tao. Dahil sa pagkakaibang ito, ang “kaluluwa” ng mga hayop ay hindi nagpapatuloy matapos ang kamatayan. Si Hesus ay namatay para sa mga tao hindi para sa mga hayop.


Ang isa pang aspetong dapat tingnan upang bigyang kasagutan ang katanungang ito ay ang paglalang ng Diyos sa mga hayop bilang bahagi ng Kanyang malikhaing proseso sa paglikha sa aklat ng Genesis. Nilalang ng Diyos ang mga hayop at tinawag itong mabuti (Genesis 1:25). Samakatuwid, maaaring may mga hayop din sa bagong lupa (Pahayag 21:1). Malaki ang posibilidad na may mga hayop rin sa panahon ng kahariang milenyal (Isaias 11:6; 65:25). Imposible ring sabihin na ang ilan sa mga hayop ay maaaring alaga natin habang nasa mundo pa tayo dahil hindi totoo ang reinkarnasyon. Alam natin na ang Diyos ay tapat at kung makarating na tayo sa langit, malalaman natin ang kasagutan sa lahat ng ating mga katanungan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ang mga alagang hayop ba ay mapupunta sa Langit? Mayroon bang kaluluwa ang mga alagang hayop?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries