settings icon
share icon
Tanong

Kinakailangan pa bang sundin ng mga Kristiyano ang mga batas ng Lumang Tipan?

Sagot


Ang susi upang maunawaan ang isyung ito ay ang pangunawa na ang Lumang Tipan ay ibinigay para sa Bansang Israel at hindi para sa mga Kristiyano. Ang ilan sa mga Batas sa Lumang Tipan ay ginawa upang malaman ng mga Israelita kung paano sumunod sa Diyos at kung ano ang nakalulugod sa Kanya (gaya halimbawa ng Sampung Utos). Ang layunin ng ilan sa mga batas ay upang ipakita kung paano sumamba sa Diyos. Ang ilan naman sa mga ito ay upang gawing bukod-tangi ang Bansang Israel kumpara sa ibang mga bansa sa mundo (Gaya halimbawa ng batas sa pagkain at kasuotan). Maraming batas sa Lumang Tipan ang hindi para sa atin ngayon. Nang namatay si Hesus sa krus, tinuldukan na Niya ang mga batas sa Lumang Tipan (Roma 10:4; Galacia 3:23-25; Efeso 2:15).


Sa halip na batas ng Lumang Tipan, nasa ilalim tayo ng batas ni Kristo (Galacia 6:2) na nagsasabing, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong-puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ito ang pinakamahalagang utos. Ito naman ang pangalawa: ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na ito nakasalalay ang buong kautusan ni Moises at ang turo ng mga Propeta” (Mateo 22:37-40). Kung gagawin natin ang dalawang bagay na ito, sinusunod natin ang lahat ng bagay na gusto ni Hesus na gawin natin, “Ito ang pagmamahal sa Diyos: ang sundin ang Kanyang mga utos. At ang Kanyang mga utos ay hindi mahirap sundin” (1 Juan 5:3).

Siyam sa Sampung utos mula sa Lumang Tipan ay inulit muli sa Bagong Tipan (halos lahat maliban na lamang sa batas tungkol sa Sabbath). Alam na natin na kung buong puso ang pagmamahal natin sa Diyos hindi na tayo sasamba pa sa ibang diyos o mga diyus-diyosan. Kung iniibig natin ang ating kapwa, hindi natin sila papatayin, hindi natin sila pagsisinungalingan, hindi tayo makikiapid laban sa kanila o kukunin ang mga bagay na pag-aari nila. Wala na tayo sa ilalim ng mga batas ng Lumang Tipan. Kinakailangan nating ibigin ang Diyos at ang ating kapwa ng ating buong-puso. Kung susundin natin ng buong katapatan ang dalawang kautusang ito, ang lahat ng bagay ay mapupunta sa kanilang dapat kalagyan.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Kinakailangan pa bang sundin ng mga Kristiyano ang mga batas ng Lumang Tipan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries