settings icon
share icon
Tanong

Ano ba ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa mga dinosaur? Mayroon bang dinosaur sa Bibliya?

Sagot


Ang paksa tungkol sa mga dinosaur sa Bibliya ay bahagi ng nagpapatuloy na debate sa loob ng kumunidad ng mga Kristiyano tungkol sa kung ano na ba ang edad ng mundo at ang tamang interpretasyon sa aklat ng Genesis at kung paano ipaliliwanag ang mga pisikal na ebidensiya na nakapalibot sa atin. Ang mga naniniwala sa matandang edad ng mundo ay sumasang-ayon na hindi binabanggit ng Bibliya ang tungkol sa mga dinosaur dahil ayon sa kanilang paniniwala namatay na ang mga dinosaur milyong taon na ang nakalilipas bago pa lumabas ang unang tao sa mundo. Ang mga taong sumulat ng Bibliya ay maaaring hindi nakakita ng mga buhay na dinosaur. Ang mga naniniwala sa batang edad ng mundo ay sumasang-ayon na ang Bibliya ay hindi bumanggit ng salitang dinosaur. Ngunit kahit na hindi ginamit sa Bibliya salitang “dinosaur,” ginamit naman nito ang salitang Hebreo na Tanniyn. Ang salitang Tanniyn ay isinalin sa ating mga Bibliya sa wikang ingles; kung minsan ito ay tinatawag ding “halimaw sa dagat,” kung minsan din ay “ahas.” Pangkaraniwan din itong isinasalin sa salitang “dragon.” lumilitaw na ang Tanniyn ay isang higante o dambuhalang reptilya. Ang ganitong mga nilikha ay binanggit ng halos tatlumpung beses sa Lumang Tipan at kapwa matatagpuan sa lupa man o sa tubig. Bilang karagdagan, inalarawan ng Bibliya ang dalawang nilikha at pinaniniwalaan ng ilang mga iskolar na maaaring paglalarawan sa mga dinosaur.


Ang behemot ang sinasabing pinakamalakas na hayop na nilikha ng Diyos, isang higante na ang buntot ay inihahalintulad sa puno ng sedro (Job 40:15). Tinangka ng ilang mga iskolar na kilalanin ang behemot at sinabing ang behemot ay maaaring alin man sa elepante o hippopotamus. Ipinagdidiinan naman ng ilan na ang mga elepante at hippopotamus ay mayroong manipis na buntot, at malayo kung ikukumpara sa puno ng sedro. Ang mga dinosaur na kagaya ng Brachiosaurus at Diplodocus sa isang banda ay may malalaking buntot na maikukumpara sa puno ng sedro. Halos lahat ng mga sinaunang sibilisasyon ay may likhang sining na naglalarawan sa mga higante o dambuhalang nilikha. Ang mga Petroglyphs o sinaunang kagamitan, kahit na ang mga bagay na gawa sa putik na natagpuan sa hilagang Amerika ay kawangis ng mga makabagong larawan ng mga dinosaur. Ang mga nililok na bato sa Timog Amerika ay nagpapakita ng mga tao na nakasakay sa mga nilikhang kahalintulad ng Diplodocus at nakagugulat dahil katulad ang kanilang mga dibuho ng mga nilikhang Triceratops, Pterodactyl at Tyrannosaurus Rex. Ang mga disenyo at larawang mosaic ng mga Romano, ang mga paso ng mga Mayan at ang pader ng lungsod ng Babilonia ay nagpapatotoo sa pagkamangha at pagka-akit ng mga tao sa ganitong mga nilikha.

Sa panahon ngayon, may mga nagsasabing nakakita sila ng ganitong uri ng mga hayop subalit nakagawian nang pinagdududahan ang ganitong mga pahayag. Bilang karagdagan sa mga importante at bilang ng mga historikal na ebidensiya sa pagkabuhay ng mga dinosaur at tao sa parehong panahon, mayroon ding iba pang mga pisikal na ebidensya ang makikita, katulad ng napreserbang magkasamang bakas ng tao at dinosaur na kapwa natagpuan sa mga lugar ng hilagang Amerika at gitnang-kanlurang Asya. Mayroon bang mga dinosaur sa Bibliya? Ang usaping ito ay malayo pang malutas. Nakadepende ito kung papaano inuunawa ang mga makukuhang mga ebidensiya at kung papaano tinitingnan ang mundong nakapalibot sa atin. Dito sa gotquestions.org, naniniwala kami sa interpretasyon ng batang mundo at tinatanggap na ang mga dinosaur at ang mga tao ay magkasabay na nabuhay sa mundo. Naniniwala kami na ang mga dinosaur ay namatay sa baha noong panahon ni Noe dahil hindi sinabing isinakay sila sa arko at kung may nakaligtas man sa kanila sa baha na tumagal ng halos isang taon, maaaring nangamatay din silang lahat dahil sa gutom, pagpapalit-palit ng klima at anyo ng paligid at dahil na rin sa wala silang habas na pinatay ng mga tao hanggang sa sila ay mangaubos.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ba ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa mga dinosaur? Mayroon bang dinosaur sa Bibliya?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries