Tanong
Masturbation- kasalanan ba ito ayon sa Bibliya?
Sagot
Hindi direktang tinukoy o sinabi ng Bibliya na ang masturbation ay isang kasalanan. Gayon man, hindi na dapat itanong kung ang damdamin at pag-iisip na nagtutulak sa tao sa masturbation ay kasalanan. Ang masturbation ay resulta ng pagnanasang sekswal at malaswang pag-iisip dahilan sa panonood at pagbabasa ng mga bagay na nakakabuhay sa pagnanasang sekswal. Ang ganitong mga problema ang dapat solusyonan. Kung ang pagnanasang sekswal ay natatalikuran at napagtatagumpayan - hindi na magiging isyu ang problema ng masturbation. Sinasabi sa atin ng Bibliya na dapat na iwasan kahit na anong anyo ng sekswal na imoralidad (Efeso 5:3). Hindi makakapasa sa naturang pagsubok ang pagsasagawa ng masturbation. Minsan ang magandang pagsubok para malaman kung ang isang bagay ay kasalanan o hindi ay kung hindi ka mahihiyang ipagsabi sa iba ang iyong ginagawa. Kung nahihiya kang malaman ng iba ang iyong ginagawa, maaaring ang ginagawa mong iyon ay isang kasalanan. Ang isa pang magandang pagsubok ay kung tapat at may malinis na konsensiya ba nating mahihingi sa Diyos na pagpalain tayo at gamitin Niya ang isang partikular na gawain para sa Kanyang magandang hangarin. Hindi ako naniniwala na ang masturbation ay maipagmamalaki at maipagpapasalamat natin sa Diyos. Tinuturuan tayo ng Bibliya, "Kaya nga, kung kayo'y kumakain o umiinom, o ano man ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos" (1 Corinto 10:31).
Kung may pagdududa kung ang isang bagay ay nakalulugod ba sa Diyos o hindi, mas mabuting huwag nang gawin ang bagay na ito. Tiyak na mayroong pagdududa kung ang pag-uusapan ay ang masturbation. "Kasalanan ang anumang gawang hindi ayon sa pananalig" (Roma 14:23). Hindi ko kailanman nakita na sinabi ng Bibliya na ang masturbation ay isang gawain na makapagbibigay ng kapurihan sa Diyos. Kailangan din nating malaman na ang ating mga katawan, maging ang ating mga kaluluwa at espiritu ay tinubos na at pagmamay-ari na ng Diyos. "Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Espiritu santo na nasa inyo at tinanggap ninyo mula sa Diyos; binili Niya kayo sa malaking halaga. Kaya't gamitin ninyo ang inyong katawan upang maparangalan ang Diyos" (1 Corinto 6: 19-20).
Dahil sa mga nasabing prinsipyo, tiyak kong masasabi na ang masturbation ay isang kasalanan ayon sa Bibliya. Hindi ako naniniwala na ang masturbation ay nakalulugod sa Diyos at makakapasa sa pagsubok ng pagmamay-ari ng Diyos sa ating mga katawan.
English
Masturbation- kasalanan ba ito ayon sa Bibliya?