settings icon
share icon
Tanong

Ano ang mangyayari pagkatapos ng kamatayan?

Sagot


May isang panandalian at permanenteng lugar para sa mga mananampalataya at isang panandalian at permanenteng lugar din naman para sa mga hindi mananampalataya ngunit hindi nababago ang hatol sa kanila ng Diyos. Hindi isinulat sa Bibliya kung kailan darating sa isang tao ang kamatayan ngunit sinasabi sa atin ng Bibliya na matapos mamatay ang isang tao, dadalhin siya sa alinman sa dalawa lamang destinasyon: sa Langit o sa Impiyerno. Sa Langit siya kung pinagsisihan niya ang kanyang mga kasalanan at nagtiwala kay Kristo para sa kanyang kapatawaran mula sa kasalanan. Para sa mga mananampalataya, matapos ang kamatayan "iiwanan ko ang katawang ito na aking tinatahanan upang manirahan sa piling ng Panginoon" (2 Corinto 5:6-8; Filipos 1:23). Para naman sa mga hindi mananampalataya, matapos ang kamatayan ay walang hanggang kaparusahan sa impiyerno (Lucas 16:22-23). Dito nagkakaroon ng kalituhan, kung ano nga ba ang mangyayari matapos ang kamatayan.


Inilalarawan sa Pahayag 20:11-15 na ang lahat ng nasa impiyerno ay itinapon na sa lawang apoy. Inilalarawan naman ng Pahayag kabanata 21-22 ang bagong langit at bagong lupa. Samakatuwid, habang hindi pa nangyayari ang pinakahuling pagkabuhay na mag-uli, matapos ang kamatayan, ang isang tao ay mananatili muna sa "panandaliang" Langit at Impiyerno. Ang walang hanggang destinasyon ng isang tao ay hindi na magbabago, subalit ang lokasyon nito ay magbabago pa. Para sa mga mananampalataya, matapos ang kamatayan, sila ay dadalhin sa bagong langit at bagong lupa (Pahayag 21:1). Sa isang banda naman, para sa mga hindi nananampalataya, sila ay itatapon sa lawang apoy (Pahayag 20: 11-15). Ang dalawang lugar na ito ang pinakahuling walang hanggang destinasyon ng tao - ang lahat ay nakabase sa kung ang isang tao ay lubos na nagtiwala kay Hesu Kristo lamang para sa kanyang kaligtasan o nagtiwala siya sa kanyang sariling mabubuting gawa o relihiyon hindi lamang sa ginawa ni Kristo.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Ano ang mangyayari pagkatapos ng kamatayan?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries