Tanong
Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagiging bakla? Ang pagiging bakla ba ay kasalanan?
Sagot
Paulit-ulit na sinasabi sa atin ng Bibliya na ang gawaing bakla ay kasalanan (Genesis 19:1-13; Levitico 18:22; Roma 1:26-27; 1 Corinto 6:9). Partikular na itinuturo ng Roma 1:26-27 na ang pagiging bakla ay resulta ng pagtanggi at pagsuway sa Diyos. Kung ang isang tao ay patuloy na gumagawa ng kasalanan at patuloy na hindi nananampalataya, sinasabi ng Bibliya sa atin na “ipinagkakaloob sila ng Diyos” sa mas malaking kasalanan upang ipakita sa kanila ang kawalang saysay at kawalang pag-asa ng buhay na hiwalay sa Diyos. Ipinahahayag ng 1 Corinto 6:9 na ang mga bakla ay walang bahagi sa kaharian ng Diyos. Hindi nilalang ng Diyos ang tao na may pagnanasa sa kanyang kaparehong kasarian. Sinasabi sa atin ng Bibliya na nagiging bakla ang isang tao dahil sa kasalanan (Roma 1:24-27), at dahil sa ito'y kanilang sariling kagustuhan. Ang isang tao ay maaaring isilang na mas malaki ang posibilidad na maging bakla kagaya ng mga tao na isinilang na may malaking posibilidad na gumawa ng dahas at iba pang mga kasalanan. Subalit hindi ito dahilan para sa tao na mas piniling sundin ang kanilang mga makasalanang pagnanasa kaysa magpasakop sa moralidad. Kung ang isang tao ay ipinanganak na mas may malaking posibilidad na madaling magalit, tama ba na magpaalipin at sumunod siya sa naturang pagnanasa? Ang sagot ay Hindi! Katulad rin ito ng pagiging bakla. Gayunman, hindi sinasabi ng Bibliya na ang pagiging bakla ang “pinakamalaking” kasalanan kumpara sa ibang kasalanan. Ang lahat ng kasalanan ay kinamumuhian ng Diyos, maliit man o malaki. Ang kabaklaan ay isa lamang sa maraming mga kasalanan na nakalista sa 1 Corinto 6:9-10 na nagsasabing ito ang isa sa mga dahilan upang ang isang tao ay hindi makabahagi sa kaharian ng Diyos.
Ayon pa sa Bibliya, ang pagpapatawad ng Diyos ay maaaring maranasan ng isang bakla, kagaya ng puwede rin itong maranasan ng mga mamamatay tao, sumasamba sa diyus-diyosan, magnanakaw at iba pa. Nangako rin ang Diyos ng kalakasan para mapagtagumpayan ang kasalanan, kasali na ang pagiging bakla, at ang pangakong ito ng kalakasan ay para sa lahat ng mananampalataya kay Hesu Kristo para sa kanilang kaligtasan (1 Corinto 6:11; 2 Corinto 5:17).
English
Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagiging bakla? Ang pagiging bakla ba ay kasalanan?