settings icon
share icon
Tanong

Paano ang paglipat sa Kristiyanismo?

Sagot


Isang tao mula sa Filipos, isang siyudad sa Gresya ang nagtanong kina Pablo at Silas. Alam natin ang tatlong bagay tungkol sa taong ito: isa siyang bantay bilanggo, isa siyang pagano at siya ay isang desperado. Nasa bingit siya ng pagpapatiwakal ng pigilan siya ni Pablo. At noon nagtanong ang taong ito “ano ang kinakailangan kong gawin upang maligtas?” (Gawa 16:30).

Ang katotohanan na nagtanong ang taong ito kina Pablo ay nagpapakita na nakita niya ang kanyang pangangailangan ng kaligtasan. Natanto niya na siya'y walang pagsalang mamamatay at sa wakas ay nangangailangan siya ng tulong. Ang pagtatanong niya kina Pablo at Silas ay nagpapakita ng kanyang paniniwala na alam nila ang sagot sa kanyang katanungan.

Ang simpleng sagot ay dumating sa kanya ng mabilis: “Manampalataya ka sa Panginoong Hesu Kristo at maliligtas ka, ikaw at ang iyong buong sangbahayan” (talata 31). Makikita sa mga sumusunod na talata na ang taong ito ay nanampalataya at siya ay naging isang Kristiyano. Nakita sa buhay niya ang malaking pagbabago mula noon.

Pansinin na ang pagiging Kristiyano ng taong ito ay batay sa kanyang pananampalataya. Kailangan niyang magtiwala kay Hesus at wala ng iba pa. Ang taong ito ay naniwala na si Hesus ang Anak ng Diyos, (ang Panginoon) at ang Tagapagligtas na siyang kaganapan ng mga hula sa Kasulatan (ang Kristo). Kasama sa kanyang sinampalatayan na si Hesus ay namatay para sa mga kasalanan at nabuhay na mag-uli dahil ito ang mensahe nina Pablo at Silas sa kanilang pangangaral (tingnan ang Roma 10:9-10 at 1 Corinto 15:1-4).

Ang ma- “convert” o lumipat ay literal na nagangahulugan na “lumiko.” Kung tayo ay liliko sa isang lugar, nangangahulugan na tayo ay lumalayo sa isa pang lugar. Nang tayo ay manampalataya kay Hesus, kailangan nating lumayo sa kasalanan. Tinatawag ito ng Bibliya na “pagsisisi” at pananampalataya kay Hesus. Kaya nga ang pananampalataya at pagsisisi ay hindi mapaghihiwalay. Ang pananampalataya at pagsisisi ay makikita sa 1 Tesalonica 1:9, “mula sa mga diosdiosan, upang mangaglingkod sa Dios na buhay at tunay.” Iiwanan ng isang taong nais maging Kristiyano ang dati niyang pamumuhay at ang kanyang dating maling relihiyon bilang ebidensya ng Kanyang paglipat sa Kristiyanismo.

Sa isang simpleng paliwanag, ang paglipat sa Kristiyanismo mula sa ibang relihiyon, ay nangangailangan ng pananampalataya na si Hesus ang Anak ng Diyos na namatay at muling nabuhay para sa mga kasalanan ng tao. Kailangan mong sumang-ayon sa Diyos na ikaw ay isang makasalanan at nangangailangan ka ng Kanyang pagliligtas at kailangan mong magtiwala kay Hesus lamang para sa iyong kaligtasan. Sa iyong paglayo sa kasalanan patungo kay Kristo, ipinangako ng Diyos na ililigtas Ka Niya at bibigyan ka ng Banal na Espiritu upang ikaw ay maging isang bagong nilalang.

Ang Kristiyanismo sa tunay nitong anyo ay hindi isang relihiyon. Ang Kristiyanismo ayon sa Biblia ay pakikipagrelasyon kay Hesu Kristo. Ang Kristiyanismo ay ang pagkakaloob ng Diyos ng kaligtasan sa simunang mananampalataya at magtitiwala sa paghahandog ni Hesus ng kanyang sarili sa Krus. Ang isang tao na lumipat sa Kristiyanismo ay hindi iniiwan ang kanyang relihiyon para sa isang relihiyon. Ang paglipat sa Kristiyanismo ay ang pagtanggap ng kapatawaran ng Diyos at pagsisimula ng isang personal na relasyon kay Hesu Kristo at pagkakaroon ng buhay na walang hanggan sa langit pagkatapos ng kamatayan sa lupa.

Nais mo bang lumipat sa Kristiyanismo mula sa iyong relihiyon matapos mong basahin ang artikulong ito? Kung ang sagot mo ay oo, narito ang isang simpleng panalangin na puwede mong ipahayag sa Diyos. Ang pagsambit ng dalanging ito o ano pa mang uri ng panalangin ay hindi makapagliligtas sa iyo. Tanging ang Diyos lamang ang makapagliligtas sa iyo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Ang panalanging ito ay isa lamang simpleng kasangkapan upang maipahayag mo ang iyong pananampalataya sa Kanya at ang iyong pasasalamat sa pagbibigay Niya sa iyo ng kaligtasan. “O Diyos, alam kung ako'y nagkasala laban sa Iyo at karapatdapat sa iyong parusa. Salamat po na binayaran ni Hesu Kristo ang kaparusahan na ako ang dapat tumanggap. Salamat po na sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya ay mapapatawad Mo ako sa aking mga kasalanan. Inilalagak ko ang aking pagtitiwala sa Iyo para sa aking kaligtasan. Salamat po sa iyong kahanga hangang biyaya at kapatawaran at kaloob na Buhay na Walang Hanggan! Amen!”

Dahil sa iyong mga nabasa, ikaw ba ay nagsisisi na sa iyong mga kasalanan at nagdesisyon na ilagak ang iyong pananampalataya kay Kristo? Kung Oo, i-klik ang “Tinanggap ko si Kristo ngayon” sa kahon sa ibaba.

English



Bumalik sa Tagalog Home Page

Paano ang paglipat sa Kristiyanismo?
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries