Tanong
Papaano ko malalaman ang kalooban ng Diyos sa aking buhay?
Sagot
Mayroong dalawang susi upang malaman ang kalooban ng Diyos, una, kinakailangan mong tiyakin na ang bagay na iyong hinihingi o planong gawin ay hindi ipinagbabawal ng Bibliya at ikalawa, kinakailangan mong tiyakin na ang bagay na iyong hinihingi o planong gawin ay makapag bibigay ng kapurihan sa Diyos at matutulungan kang lumago sa iyong buhay Espiritwal. Kung ang dalawang ito ay sinusunod mo subalit hindi pa rin ibinibigay ng Diyos ang iyong hinihingi - maaaring hindi kalooban ng Diyos para sa iyo ang mga iyon. O kaya nama'y kinakailangan mo lang maghintay pa ng konting panahon upang matanggap ang iyong hinihingi. Ang pag-unawa sa kalooban ng Diyos ay mahirap kung minsan. Nais ng mga tao na direktang sabihin sa kanila ng Diyos kung ano ang dapat nilang gawin - saan magtatrabaho, saan titira, sino ang magiging asawa, at iba pa.
Sinasabi sa atin ng Roma 12:2 "Huwag kayong umayon sa takbo ng mundong ito. mag-iba na kayo at magbago ng isip upang mabatid ninyo ang kalooban ng Diyos - kung ano ang mabuti, nakalulugod sa Kanya, at talagang ganap."
Hindi direkta o tiyak na sinasabi ng Diyos sa mga tao ang anumang impormasyon na kanilang kailangan. Pinahihintulutan tayo ng Diyos na gumawa ng sarili nating pagpili hinggil sa ganoong mga bagay. Ang tanging desisyon lamang na ayaw ng Diyos na gawin natin ay ang desisyon na gumawa ng kasalanan o labanan ang Kanyang kalooban. Nais ng Diyos na gumawa tayo ng mga desisyon na naaayon sa Kanyang kalooban. Dahil dito, papaano mo malalaman ang kalooban ng Diyos para sa iyo? Kung ikaw ay lumalakad na malapit sa Diyos at may pagnanasa ka na malaman ang kalooban Niya sa iyong buhay-ibibigay ng Diyos ang hangarin ng iyong puso. Ang susi ay naisin mo na gawin at sundin ay ang kalooban ng Diyos at hindi ang iyong sariling kalooban. "Sa Diyos mo hanapin ang kaligayahan, at ang pangarap mo'y iyong makakamtan" (Awit 37:4). Kung walang sinasabi ang Bibliya laban dito, at magbibigay ito ng kapakinabangan sa iyo lalong-lalo na sa iyong buhay espiritwal - binibigyan ka Niya ng pahintulot.
English
Papaano ko malalaman ang kalooban ng Diyos sa aking buhay?