settings icon
share icon
Tanong

Romano Katoliko katanungan

Sagot


Nais po naming maging maliwanag sa lahat na ang GotQuestions.org ay hindi isang ministeryo ng Romano Katoliko. Naniniwala kami na ang Bibliya ang dapat na maging tanging pamantayan ng pananampalataya at gawaing Kristiyano. Habang pinahahalagahan din namin ang tradisyon ng iglesya, hindi namin tinatanggap ang anumang tradisyon na malinaw na hindi sinasang-ayunan ng Salita ng Diyos. Ang pagkakaiba namin sa Romano Katoliko ay may kinalaman sa aming pananaw sa Salita ng Diyos. Nasa ibaba ang mga karaniwang tanong na itinatanong sa amin tungkol sa Katolisismo:

Nakakatanggap kami ng mga "reklamo" na ang aming mga artikulo tungkol sa simbahang Katoliko ay hindi diumano kumakatawan sa kung ano ang itinuturo at ginagawa ng Simbahang Katoliko. Nakakatanggap din kami ng pasasalamat sa mga dating Katoliko na nagsasabi na ang aming mga artikulo tungkol sa paniniwala at gawain ng mga Katoliko ay tama at totoo. Ang lahat ng aming mga artikulo tungkol sa Simbahang Katoliko ay isinulat ng mga dating Katoliko na umalis sa simbahang Katoliko pagkatapos na ikumpara ang katuruan at gawain ng Simbahang Katoliko sa Bibliya. Ang aming mga artikulo ay resulta ng masusing pagaaral. Naninindigan kami na tama ang aming mga paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan ng mga Romano Katoliko. Maaaring hindi kayo sumang-ayon sa aming mga konklusyon ngunit ang mga iyon ay resulta ng maraming taon ng pagiging Katoliko, bilang naturuan ng doktrinang Katoliko, nagsanay bilang Katoliko, nagaral ng teolohiya ng Katoliko at nakipag talakayan sa mga Katoliko. Hindi po namin sinisiraan ang Simbahang Katoliko at hindi po kami nagagalit sa mga Romano Katoliko. Kami po ay simpleng naniniwala na talagang may mga seryosong problema sa mga katuruan ng Simbahang Katoliko na nararapat timbangin ayon sa katotohanan ng Salita ng Diyos.

Mayroon ding isyu na ang mga gawaing panelihiyon ng maraming mga Katoliko ay sumasalungat sa mga "opisyal na tradisyon" ng Simbahang Katoliko. Halimbawa, hindi itinuturo ng Simbahang Katoliko ang ang pagsamba kay Maria kundi ang paggalang at pagpaparangal lamang sa kanya. Ngunit sa aming obserbasyon, malinaw na maraming Katoliko ang sumasamba kay Maria. Ito ay resulta ng kakulangan ng maayos na pagtuturo ng mga lider ng simbahan at kakulangan ng malinaw na pagpapaliwanag sa kanilang doktrina. Maraming Katoliko ang talagang walang alam sa mga katuruan at kahulugan ng mga gawaing panrelihiyon ng Simbahang Katoliko. Ang ilan sa aming artikulo tungkol sa Simbahang Katoliko ay maaaring tumutukoy sa mga gawain ng ilan o ng maraming Katoliko na hindi ayon sa Bibliya o hindi ayon sa opisyal na katuruan ng Simbahang Katoliko.
Ako ay isang Romano Katoliko, bakit ko nanaisin na maging isang Kristiyano?

Ano ang Sola Scriptura?

Ang Romano Katolisismo ba ay isang huwad na relihiyon? Ang mga Romano Katoliko ba ay ligtas?

Naaayon ba sa Bibliya ang paniniwala at mga gawaing panrelihiyon ng mga Katoliko?

Ano ang pinagmulan ng Simbahang Katoliko?

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol kay birheng Maria?

Ano ang sakramento ng Romano Katolisismo na tinatawag na Banal na Komunyon / Misa? Ano ang pakahulugan ng Simbahang Katoliko sa pagdiriwang ng Huling Hapunan?

Ano ang immaculada concepcion? Si Maria ba ay ipinaglihi ng walang kasalanan?

Ang pananalangin ba kay Maria at sa mga santo ay ayon sa Bibliya??

Biblikal ba ang pagsamba kay Maria at sa mga santo?

Ano ang Apocypha / mga aklat Deuterocanonico? Ang mga aklat bang ito ay kasama sa Bibliya?

Naaayon ba sa Bibliya ang pagmamana ng pagiging apostol?

Nararapat ba na ang tradisyon ng mga Katoliko ay ituring na kapantay sa awtoridad ng Bibliya?

Sino ba ang mga Kristiyanong santo / banal ayon sa Bibliya?

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pangungumpisal sa pari?

Ano ang sinasabi ng Bibliya patungkol sa pagbibinyag o pagbabawtismo sa mga bata?

Ano ang pinakauna/ orihinal na iglesya? Ang orihinal / unang iglesya ba ang tunay na iglesya?

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa papa?

Ang pagrorosaryo ba ay naayon sa Bibliya?

Ano ang repormasyon ng mga Protestante?

Ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa purgatoryo?

Naaayon ba sa Bibliya ang Pitong Sakramento ng Simbahang Katoliko?

Ano ang transubstantiation?

Ang mga aparisyon ba ni Maria gaya ng Our Lady of Fatima, ay mga tunay na mensahe mula sa Diyos?

Ano ang doktrina ng 'pagakyat ni Maria sa Langit'?

Katoliko laban sa Protestante - bakit laging may alitan sa pagitan ng dalawang grupo?

Ano ang pagkakaiba sa pagitan ng Simbahang Romano Katoliko at Simbahang Protestante?

Anu-ano ang mga indulhensiya at plenaryang indulhensiya at ang mga konsepto ba nito ay biblikal?

Itinuturo ba sa Bibliya ang mortal at benyal na kasalanan?

Naaayon ba sa Bibliya ang doktrina ng Simbahang Katoliko na hindi nagkakamali ang Papa?

Naaayon ba sa Bibliya ang doktrina ng walang hanggang pagkabirhen ni Maria?

Si apostol Pedro ba ang unang Papa?

Ayon ba sa Bibliya ang pagkasaserdote ng mga mananampalataya?

Pagaantanda ng krus - ano ang kahulugan nito? Dapat bang mag krus ang mga Kristiyano?

Ang papa ba ang kinatawan ni Kristo sa lupa?



Bumalik sa Tagalog Home Page

Romano Katoliko katanungan
Ibahagi ang pahinang ito: Facebook icon Twitter icon Pinterest icon YouTube icon Email icon
© Copyright Got Questions Ministries